Jadine reveal their most memorable moment in Greece

James Reid and Nadine Lustre agree on what was the best moment of their trip to Santorini, Greece.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/4/2016 9:25 AM
Jadine reveal their most memorable moment in Greece


090416-Jadine_main.jpgPinag-uusapan ang unang linggong episode ng Till I Met You na pinagbibidahan nina James Reid, Nadine Lustre at JC Santos (bilang third wheel sa Jadine love team). Unti-unti na kasing nare-reveal ang pagkatao ng karakter ni Ali played by JC.

Ayon kay Nadine, relatable ang kani-kanilang karakters na ginagampanan sa Till I Met You at sigurado raw magugustuhan ito ng audience.

“Iba po dito sina Clark and Leah na minahal nila sa On The Wings of Love. Sina Basti and Iris, iba rin po. Pero pareho silang relatable, pareho kayong mai-in-love sa kanila. Depende na lang po sa nanonood. Pero ako po, in-love po ako sa kanilang apat (na characters).”

Dahil unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Ali sa role ni James bilang si Basti, may reaksyon din ang aktor tungkol dito.

“I had a lot more fun with Basti. Kasi dito, he’s adventurous, he’s exciting, you’ll love this one, it’s definitely more challenging. Si Clark sa On the Wings of Love, masyado siyang perfect,” sey pa niya.

Ang mga kinunan sa Greece ang kasalukuyang ipinapalabas sa Till I Met You. Eh, ano ba ang memorable experience nina James at Nadine habang nagti-taping doon?

“Pinaka-most memorable ko po ay ’yung last taping day namin sa Santorini,” kuwento ni Nadine.

“’Yon po ’yung time na patapos na kami, tapos po, nanood kami ng sunset. Tapos, parang sobrang sarap lang po ng pakiramdam na parang, ‘guys, we did it!’ Natapos po namin, nagawa po namin lahat ng eksena.

“Parang time na to relax, tapos pinanood lang namin ’yung sunset, lahat po kaming naiwan do’n.

“Ang ganda po talaga, iba po talaga (ang sunset du’n). Tapos ’pag lalabas na po ’yung moon, ang laki ng moon, para siyang cheese. Ang laki kasi.

“Basta, ang ganda po. Ibang klase po talaga do’n. Kaya naman pala parang sinasamba ng mga Greek ’yung sun and moon na parang mga Gods. Ibang klase po talaga, ang ganda po talaga,” dire-diretsong kuwento ni Nadine.

Agree naman si James sa sinabi ng kanyang GF.

When it (sun) sets, parang sobrang mabagal at may kasamang applause from everyone. It’s an unforgettable experience. It’s supposed to be like thanking the sun, something like that,” sabi pa ng aktor.