Celebrities reveal their early Christmas preps

These kapamilya celebrities are ready to welcome Christmas early.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/30/2016 8:24 AM
Celebrities reveal their early Christmas preps


093016-BeaBela_PUSH.jpgNgayon pa lang marami na ang naglu-look forward sa holiday season at ilan sa paborito nating personalities ay naghahanda na rin kahit tatlong buwan pa bago mag Pasko.

Si Bea Alonzo, personal na pumipili ng decorations para sa bahay niya na nagsisilbing relax therapy para sa aktres.

"Dahil ito ang paborito kong season ng buong taon. Excited ako tumitingin ng Christmas decorations online at sa magazines. Medyo mahilig kasi ako mag-ayos ng bahay at isa yan sa therapy ko."

Si Bela Padilla naman ang bakasyon at makasama ang mga mahal sa buhay ang kanyang nilu-look forward sa mga ganitong panahon. 

"I stay at home. Tna-try ko magpahinga so yung mga special holidays na walang trabaho I try to rest or kung may magyaya yung family ko out of town or out of the country yun ang ginagawa ko."

Ang pag-aayos ng kanilang Christmas tree ang kina career ni Kim Chiu at ‘di daw siya nag uulit ng decoration taon-taon.

"Ngayon pa lang naglalagay na ako ng Christmas tree. Ako kasi ang gumagawa ng Christmas tree sa bahay. Gusto ko ako talaga nagde-decorate depende sa mood ko, depende sa kulay taon-taon," kuwento pa ni Kim.