• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ara Mina admits she has accepted she and Patrick Meneses are just friends now

EXCLUSIVE: Ara Mina admits she has accepted she and Patrick Meneses are just friends now

Ara Mina says she and the father of her daughter maintain a friendly relationship.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/3/2016 9:47 AM
EXCLUSIVE: Ara Mina admits she has accepted she and Patrick Meneses are just friends now


090316-AraMina_main.jpgAminado si Ara Mina na kahit papaano ay sumagi rin sa isip niya noon ang posibilidad na magkabalikan sila ng dating kasintahang si Mayor Patrick Meneses na ama ng anak niyang si Amanda Gabriel o Mandy. Ayon pa sa aktres, hindi raw naman niya isinara ang kanyang pinto kay Patrick.

Kaya nga hindi ako masyadong nag-i-entertain ng mga nagpaparamdam sa akin noon kasi siyempre, nando’n yung baka maging okey pa, di ba? Kasi wala rin namang masama dahil siya naman ang tatay ni Mandy.

“Pero tanggap ko na rin naman na friends na lang talaga kami. In-accept ko na na ganu’n. Wala rin naman siyang girlfriend pero iba yung priority ni Pat sa life niya, eh. Yon yung nakikita ko,” pahayag ni Ara sa Push.com.ph.

Madalas ang nagiging pagkikita ngayon nina Ara at Patrick dahil sa kanilang anak.

Minsan once a week or twice a week. Sandali lang naman kami pag nagkikita. Welcome naman siya sa house ko, do’n niya pinupuntahan si Mandy.

Pero minsan iniiwan ko rin si Mandy sa kanya. Dinadala niya sa house nila. Naipapasyal pa niya,” sey pa ng aktres.

So, kelan niya balak umibig ulit at mag-entertain ng manliligaw?

“Actually, meron namang mga nagpaparamdam. Puro paramdam nga lang kasi siguro nag-aalangan sila sa relationship namin ni Pat kasi friends kami, di ba, and takot yung iba,” sagot niya.

Hindi ba niya hinahanap-hanap na merong karelasyon?

“Minsan nakaka-miss din yung ganu’n. Pero kapag kasama ko na si Mandy, buong-buo na yung pakiramdam ko, eh. Parang okey na kahit wala. But honestly, there are times na naghahanap ka rin ng magpapakilig sa yo. Kasi parang nakakabata yung ganu’ng feeling, eh. Nakaka-teenager. Hahaha! Sana next year, meron na (ng BF),” umaasam na pagtatapos ni Ara.