• Home
  • Fresh Scoops
  • Bataan Representative Geraldine Roman reveals details of her personal life

Bataan Representative Geraldine Roman reveals details of her personal life

Bataan Representative Geraldine Roman takes her award as a sign of change in Philippine society.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/29/2016 10:00 AM
Bataan Representative Geraldine Roman reveals details of her personal life


092916-GeraldineRoman_PUSH.jpgProud at stand out na rumampa sa red carpet ng People Asia Magazine ang Transgender Bataan Representative na si Geraldine Roman para tanggapin ang kanyang award bilang isa sa mga Women Of Style With Substance of the year.

Kabilang si Bataan Representative Roman sa listahan ng mga prominenteng kababaihan na nag excel mula sa iba't -ibang larangan ng pamumuhay.

"This is the sign na little by little nagbabago na ang ating lipunan and people are becoming more open. Even People Asia set the example that I myself identify myself as a woman and I am honored for they choosing me as one of the 2016 Women of Style with Substance."

Bilang isang mambabatas naitanong din kay Representative Roman kung ano ang kanyang masasabi sa maaring pagbabago sa role ng LGBT sa entertainment industry.

"Hindi na issue iyan sa loob ng showbiz industry, alam naman natin sa entertainment industry madami tayong famous personality na members ng LGBT community pero hindi na pinag uusapan iyan ang importante kung ano yung na co-contribute nila sa industriya and sa ating bansa."

Bukod sa pag gawa ng mga batas, inspirado din si Representative Roman ng LGBT community at ng kanyang mga constituent sa kanyang Bayan sa Bataan.Naibahagi din ni Rep. Roman ang makulay niyang love life.

"Ang puso ko okay naman, I'm in love to the same person whom I loved for the longest time and hopefully more years with him if God’s willing," sabi pa ng Bataan Representative.