• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga reacts on people comparing her acting skills to sister Toni

Alex Gonzaga reacts on people comparing her acting skills to sister Toni

People who have watched Alex Gonzaga’s launching movie “My Rebound Girl” could not help but comment on her similarities with her Ate Toni.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/29/2016 10:04 AM
Alex Gonzaga reacts on people comparing her acting skills to sister Toni


092916-AlexGonzaga_PUSH.jpgNagtitilian ang fans nina Alex Gonzaga at Joseph Marco na nanood ng premiere ng “My Reboud Girl” sa SM Megamall Cinema 7 sa tuwing may romantic moments ang dalawa lalo na do’n sa part na hinalikan ni Joseph si Alex.

Pero ayon kay Alex nang makausap namin after ng premiere, hindi naging isyu sa mommy niya (Pinty) ang “kissing scene.”

“Wala siyang alam, eh,” natatawa niyang sabi.

“ Yung pa-kiss-kiss na yan, ayaw niya ng mga ganu’n. Saka dito lang naman yon (malapit sa labi). Wala naman siyang reaksyon kasi alam niyang daya, eh,” dagdag pa niya.

Eh, ano nga ba ang feeling habang pinapanood niya ang launching movie na prinodyus ng Regal Films?

“Nahihiya ako,” pag-amin agad niya sabay tawa.

“Medyo nakakadyahe pala yon. Ewan ko, nakakahiya pala yon. Basta, wala lang, nahihiya lang ako kasi parang… siguro kasi unang pelikula ko,” paulit-ulit niyang pahayag.

Dumating sa premiere showing ng My Rebound Girl para magpakita ng suporta ang family ni Alex – mom niya at daddy at ang kapatid na si Toni Gonzaga kasama ng husband na si Direk Paul Soriano.

“Actually, sabi niya (Toni), parang nagdudugo na raw siya. Aalis na daw siya pagkadating na pagkadating niya (sa sinehan), pero nag-stay din siya. Touched nga ako, eh. So, sabi niya, eh,  pag nag-contract na siya, diretso na siya ng hospital.”

Eh, anong sabi ng Ate Toni niya sa movie?

“Sabi niya ang ganda ng cinematography. Hindi ko pa siya nakakausap, eh.”

Eh, sa acting niya?

“Wala pa. Hindi ko pa alam.”

Kapansin-pansin na may mga eksena sa pelikula na parang katulad siyang umarte ni Toni.

“Eh, siya yung ginaya ko, eh,” biro pa niya.

“Hindi ko siya ginagaya. Siguro ano lang kasi. Ang conscious effort lang sa akin ay huwag magpatawang masyado. Wala yung ganu’n.

“Pero actually, nung pinapanood ko, parang ate ko. Ano ba to, ate ko ba tong pinapanood ko? Hindi nga, yon ang tingin niyo?

“Minsan nga daw pati boses ko, eh, parang sa ate ko. Lalo na nung nagkasakit ako pagkatapos namin sa Baguio, siyempre may phlegm so lahat yon ni-retake namin kasi lahat yon Toni (ang boses). Ano ba yon parang ako na si ate ko,” kuwento ulit niya.

Sa panganganak ni Toni, sasama ba siya sa brother-in-law sa pagbi-video sa kapatid niya?

“Hindi. Bawal daw. Si Paul lang,” sagot agad niya. “Nakita ko na rin naman yung ano niya, eh. Buong pagtanda namin nagkakakitaan kami, so okay na yon,” pagbibiro pa niya.

Samantala, inamin ni Alex na wala pa rin daw talagang special na namamagitan sa kanila ni Joseph ngayon. Yung pagpapakilig na ginawa nila sa movie ay bahagi lang ng kanilang acting.