• Home
  • Fresh Scoops
  • Pia Wurtzbach’s camp denies Marlon Stockinger dating rumors

Pia Wurtzbach’s camp denies Marlon Stockinger dating rumors

Pia Wurtzbach is also busy with Miss Universe preparations in Manila.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/28/2016 1:00 PM
Pia Wurtzbach’s camp denies Marlon Stockinger dating rumors


092816-piaw_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, sinabi ng grupo ni Miss Universe Pia Wurtzbach na kaibigan lang ng beauty queen ang Pinoy car racing champion na si Marlon Stockinger. Nagpost kasi kamakailan ng picture ang beauty queen kasama si Marlon sa kanyang Instagram.

May mga spekulasyon na hindi na nagkikita si Pia at ang celebrity doctor na si Dr. Mike o si Dr. Mikhail Varshavski. Ngunit ayon sa grupo ni Pia, good friends lang sila ni Marlon at nakikipag-date pa rin si Pia kay Dr. Mike.

Kamakailan lang nag-post si Dr. Mike ng “I will hold your heart tenderly than my own” sa kanyang social media account. Hindi ni Dr. Mike pinangalanan kung para kanino ang kanyang post pero marami ang nagsasabing para ito kay Pia.

Hindi na diumano pinainterview ng Miss Universe Organization si Pia ukol sa nasabing issue.

Higit sa love life, mas naka-focus din si Pia sa preparasyon ng Miss Universe na gaganapin sa Pilipinas sa January 2017.

Pinag-uusapan rin ang posibleng simultaneous broadcast ng Miss Universe sa lahat ng media networks sa Pilipiinas.