• Home
  • Fresh Scoops
  • Nicole Cordoves ready to compete in Miss Grand International in October

Nicole Cordoves ready to compete in Miss Grand International in October

Nicole Cordoves nixes speculations that she and Maxine Medine should switch titles and competitions.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/28/2016 9:46 AM
Nicole Cordoves ready to compete in Miss Grand International in October


092816-NicoleCordoves_PUSH.jpgReady at all set na si Binibining Pilipinas 2016 Miss Grand International Nicole Cordoves sa kanyang pag-alis ngayong Oktubre para lumaban sa Miss Grand International 2016 na gaganapin sa Las Vegas, USA.

Ayon sa kandidata, challenging para sa kanya ang pagpili ng kanyang susuotin sa pageant. Simula pre-pageant to pageant night ay asahan na bongga ang mga ito.

"I'm so ready to fly out I'm very excited and as per regarding sa mga isusuot ko duon, ako na-challenge na kumuha ng damit from different designers kasi this time we can wear Filipino designers kaya pa bonggahan talaga."

Isa naman din sa pinaka pinaghandaan ni Cordoves ay ang tamang paglakad dahil aasahan daw pag-apaw ng rampahan para Sa Miss Grand International "Pinaghandaan ko is my walking because yung production ng pageant involves dancing and walking so all out talaga parang glamazona , it's not like yung mahinhin walk or pa-class, sobrang fierce and entertaining dapat."

Nagbigay din naman ng saloobin si Cordoves sa mga beauty pageant enthusiasts tungkol sa switching di umano sana nila ni Maxine Medina ng titles para sa sure win ng Pilipinas sa mga laban natin sa beauty pageant "I don't think so  because I think it's really the hand of destiny playing out here, and then I'm really happy with the title given to me na Miss Grand kasi may speech siya before the Q and A and and I really love to talk and I'm looking forward to that."

Dagdag pa ni Cordoves posible na kasama siya ni Maxine Medina sa kanyang gaganapin na laban sa Las Vegas bilang suporta.