• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kakai Bautista says her ideal leading man would be someone like Ian Veneracion

EXCLUSIVE: Kakai Bautista says her ideal leading man would be someone like Ian Veneracion

Kakai Bautista admits she still doesn’t know who will be her leading man in her launching movie.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/28/2016 9:51 AM
EXCLUSIVE: Kakai Bautista says her ideal leading man would be someone like Ian Veneracion


092816-KakaiBautista_PUSH.jpgMagkakaroon na ng launching movie si Kakai Bautista na ang title ay Miss Q and A (Para Sa Magaganda Lang Ba Ang Love Life?) pero nahirapang maghanap ng leading man na ipapareha sa kanya. Ayon sa komedyana, may certain qualities daw kasi na ikino-consider ang producer at director sa actor na mapipili nila at dapat mag-match yon sa personality ni Kakai.

“Marami na pong nag-inquire, pero ngayon, hindi ko pa alam kung sino na ba talaga, pero meron nang nahanap. Yon ang alam ko pero hindi pa lang sinasabi sa akin,” kuwento ni Kakai sa Push.com.ph.

Eh, ano bang klaseng leading man ang hinahanap nila?

“Hindi naman actually kailangan yung guwapung-guwapo or yung perfect na boy next door. Kasi yung karakter ng lalaki importante din talaga. Kailangan pag tumayo pa lang siya diyan may dating na siya. Hindi yung guwapo lang, ganu’n.”

Dagdag pa niya, “Kailangan mahusay ding umarte at kailangan din niya akong tulungan (umarte). Makakatulong kasi kung mahusay talaga yung lalaki.”

Anong pakiramdam na gagawa na siya ng launching movie?

“Sobrang nakakakaba, so kailangan tulung-tulong, di ba?” pag-amin niya.

Hindi raw niya in-expect na darating pa ang ganitong chance sa career niya.

“Hindi ko rin naman inasahan na may mga ganitong launching-launching movie pa. Lahat naman ng nangyayari sa akin, hindi ko rin naman inasahan talaga.

“Ang goal ko talagay magtrabaho lang. Mabili ko yung mga pangarap kong bilhin. Mapasaya ko yung pamilya ko. Yon lang. Hindi ko hinangad na talagang sumikat.

“Kasi siguro, sinasabi lang ni Lord na pag papunta na ako do’n, sinasabi Niya, ‘hindi mo yata kaya kasi masyado kang totoong tao. Hindi ka… yung transparency mo bilang tao, pag dumating ka nasa point na yon mahihirapan ka na,” katwiran pa ni Kakai.

Eh, sino ba sana ang peg niyang maging leading man sa Miss Q and A?

“Ako, ang pangarap ko talaga mala-Ian Veneracion. Pero siyempre, pangarap lang, di ba? Hindi naman masamang mangarap. Hahaha!” sey pa niya.

“Basta yung guwapo, yung pakikiligin din yung mga manonood. At saka kailangan may nararamdaman din akong kilig, makakatulong din sa akin yon, di ba?” pagtatapos ni Kakai.