Exclusive: Joseph Marco speaks up about nose job rumor

The actor says he is too busy to have cosmetic surgery.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/28/2016 1:04 PM
Exclusive: Joseph Marco speaks up about nose job rumor


092816-JosephMarco_PUSH.jpgKapansin-pansin ang mas matangos na ilong ngayon ni Joseph Marco lalo na kapag naka-side view kaya kumalat ang balitang nagpa-nose job siya o nagpabawas ng magkabilang gilid ng ilong.

Pero kaagad itong itinanggi ni Joseph Marco nang makausap siya ng Push.com.ph sa premiere showing ng pelikula nila ni Alex Gonzaga na My Rebound Girl.

“Wow, hindi ah. Walang time,” sabi agad niya. Patuloy pa ng actor, “Sobrang dire-diretso ako sa 'Pasion de Amor' at ang daming nagsasabina pumayat daw talaga ako. Siguro dahil pumayat ako kaya ganun.

“As in from 'Pasion,' grabe ang payat ko talaga. Yung iba nga ang sinasabi ang pangit nga daw, eh. Pero sinabi ko, mas okey sa screen. In person, medyo malnourish but technically, mas okey siya sa screen. Pero ang problema ko talaga ay yung dito,” sabay turo niya sa ilalim ng kanyang dalawang mata na malalaki ang eyebags.

Eh, ano ang reaksyon niya pag sinasabi ng iba na nagpa-nose job siya? 

“Natatawa lang ako. Ewan ko kung saan nila nakuha. Sinabi pa nga nila na nagpa-panga (nagpadagdag ng panga) pa ako, eh, may nabasa din akong ganu’n, parang lumabas daw yung panga ko. Pero walang mga ganu’n, pumayat lang talaga ako kaya lumiit ang ilong ko at lumabas ang panga ko,” paliwanag ng actor.

Ang totoo raw pinoproblema niya ngayon ay hindi ang ilong or ang panga kundi ang kanyang buhok.

“Hindi talaga siya naaayos, eh. Ganito na talaga yung buhok ko, kinky siya. Hindi talaga siya nagagalaw. Problem ko talaga itong hair ko eversince. Yan yung pinakaproblema ko,” pagtatapat niya.

Samantala, kay Joseph din namin na laman na hindi na matutuloy ang movie nila ng "Pasion de Amor" boys sa Regal.

“Wala nang update regarding the Pasion boys. Kasi kung matutuloy yon, sana nauna pa yon don sa horror film na ginagawa namin ngayon,” sabi pa niya.

Meron din daw siyang bagong teleserye na gagawin sa ABS-CBN under RSB Unit. Maglo-look test na raw sila pero hindi pa niya alam kung sinu-sino ang makakasama niya rito.