• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Heart Evangelista says she is open to working with ex boyfriend Jericho Rosales

EXCLUSIVE: Heart Evangelista says she is open to working with ex boyfriend Jericho Rosales

Heart Evangelista admits she and Jericho Rosales have yet to talk after their breakup years ago.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/28/2016 10:54 AM
EXCLUSIVE: Heart Evangelista says she is open to working with ex boyfriend Jericho Rosales


092816-HeartEvangelista_PUSH.jpgPumirma ng panibagong kontrata si Heart Evangelista sa Viva Artists Agency (VAA). Pang-fifth year na ni Heart sa Viva. Una siyang pumirma ng management contract sa Viva noong 2011 para sa kanyang film projects and endorsements.

Ayon sa aktres nang makausap ng Push.com.ph after her contract signing, masaya naman siya sa Viva at kontento siya sa nangyayari sa kanyang career.

“I’ve been very happy with Viva. Our professional relationship has been very productive,” sabi pa niya sa amin.

Sa TV ay may exclusive contract si Heart sa GMA-7, pero maaari naman daw siyang gumawa ng pelikula sa labas sa Star Cinema kung gugustuhin ng Viva.“Kahit ano na lang ang ibigay sa akin, I’m really okay.”

Handa ba siyang makatrabaho ang ex-boyfriend niyang si Jericho Rosales?

 “Of course… ang tanong, willing ba sila?” natatawa niyang sagot.

 “I have no problem. Pagdating kay Chiz (Escudero, Heart’s husband), he has no problem din. You know, at the end of the day we’ve got bills to pay, so we’ve got to be practical,” dagdag pa ni Heart.

Hindi ba sila naging friends ni Jericho pagkatapos ng breakup?

“Hindi na kasi kami nagkita, eh.”

Pero okey lang ba na maging friend niya ang ex-boyfriend?

“Okey lang naman siguro, pero I don’t know, ask him,” sagot niya sa amin.

Ibinalita namin kay Heart na okey na sina Jericho at John Estrada na dating nagkaroon ng problema because of her at sabi niya, “Ay dapat naman wala kasi… hello naman.”

Ibig sabihin, sila na lang ni Echo ang hindi okey?

“I’m okay. I’ve been okay, it’s not an issue, no issue.”

Masaya din daw siya para kay Jericho lalo na ngayong meron na itong pamilya.

“Masaya ako para sa kanya. May family na rin siya. At saka we didn’t have a problem with each other naman talaga.  It’s a known fact that it was my parents that didn’t want us together, so I don’t at all hate him,” paliwanag niya.

Nagkaroon ba sila ng closure?

“Ayoko… charot! Yes, I got married, he got married, that’s good enough closure,” diretso niyang sagot.

Napansin namin na ang galing-galing na niyang sumagot ngayon sa mga sensitibong tanong. Tinuturuan ba siya ni Sen. Chiz?

“No. Life taught me. Wow!” sabay tawa niya nang malakas.

Nakatuwaan na rin naming kunin ang message ni Heart sa mga Echo-Heart supporters na gusto pa rin silang makitang magkasama kahit sa pelikula lang.

“I appreciate that they supported us when the whole world was against us. Thank you, but we have now found our happy endings. Wala, ganu’n talaga,” pagtatapos ni Heart.