Doctor says Toni Gonzaga ready to give birth on Friday

The actress’ mom Pinty Gonzaga says they can’t wait to see their first grandson.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/29/2016 2:12 AM
Doctor says Toni Gonzaga ready to give birth on Friday


092916-ToniGonzaga_PUSH.jpgAfter ng premiere showing ng "My Rebound Girl" ay nakatsikahan namin ang ina ni Alex Gonzaga na si Mommy Pinty at dito niya naikuwento sa Push.com.ph na anytime this week ay posibleng manganak na si Toni Gonzaga.

Due na raw ang multi-media star para sa panganay na anak nila ni Direk Paul Soriano at nagkaroon na raw ng spotting ang kanyang anak bago dumalo sa red carpet premiere ng pelikula.

Actually, kanina, nung nandun kami sa EDSA Shangrila Hotel para pumunta rito, nag-make-up-an sila do’n, si Toni, nasa CR sumigaw, ‘Mommy!’,” kwento ni Mommy Pinty sa Push.com.ph.

Nang i-check daw niya ang anak ay nakita niyang may spotting (light bleeding) na ito na kadalasang nangyayari during pregnancy at kapag malapitnang manganak.

Hindi raw niya naiwasang mag-panic kaya sinabihan niya si Toni na huwag nang tumuloy sa premiere night at baka manganganak na ito.

“Tinawagan si Doc, sabi niya, ‘hangga’t hindi naman ikaw nagko-contraction, okay, pwede ka mag-attend, pero observe mo ‘yan, pag nagsunud-sunod na (spotting), pumunta ka na sa hospital bukas.”

Kasama ni Toni ang asawang si Direk Paul na dumalo ng premiere night para suportahan ang launching movie ng kapatid.

Ayon pa sa kuwento ni Mommy Pinty, sinabi raw ng doctor na baka sa Biyernes (Sept. 30) na manganganak si Toni. Sa St. Luke’s Global nakatakdang manganak ang actress-singer-TV host.

Excited ding ikinuwento ni Mommy Pinty na tiyak na magiging spoiler siya sa kauna-unahang apo from Toni and Direk Paul.

“Kasi puro sila babae, 'di ba? Siya yung magiging first boy sa family namin,” komento pa niyang natatawa.

Samantala, hiningan na rin namin ng reaksyon si Mommy Pinty sa eksena sa pelikula na magkatabi sa kama sina Alex at Joseph. Biniro namin ang conservative na ina na may bed scene ang anak niya.

“Ay, tumabi lang naman,” natatawang depensa ni Mommy Pinty.

Eh, anong masasabi niya na may kissing scene ang anak at si Joseph Marco?

“At least, hindi sa lips. 28 na rin naman siya, okay lang ‘yun,” sabi pa ni Mommy Pinty.