• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennylyn Mercado thinks Arci Munoz and Coleen Garcia are some of the sexiest Pinays

Jennylyn Mercado thinks Arci Munoz and Coleen Garcia are some of the sexiest Pinays

Jennylyn Mercado also wants to get married first before having another baby.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/27/2016 8:37 AM
Jennylyn Mercado thinks Arci Munoz and Coleen Garcia are some of the sexiest Pinays


092716-JennylynMercado_PUSH.jpgNakita na namang magkasama sa isang beach sa Batangas ang sinasabing magkarelasyon ngayon na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Pero ayon sa aktres, nagpunta lang daw sila doon para sa isang clean up drive.

“First time niyang sumama sa clean up na ginawa ko sa Batangas. Lagi ko namang ginagawa yon kasi ano ako ng DENR. Isinama ko po siya kasi linis lang naman yon, eh – magpupulot ng mga basura sa ilalim ng dagat.

“Kahit naman sina Gerald Anderson nando’n din sila. Yung Philippine Coast Guard nando’n din,” kuwento ni Jennylyn nang makausap namin siya sa kanyang Ultimate album launch.

Okey lang ba sa kanya na makasama sa pelikula si Dennis?

“Bakit hindi? I’m sure hindi na ako mahihirapan pagdating sa aktingan kasi nakagawa na kami ng soap.”

Eh, ang ex-BF niyang si Luis Manzano?

“Hmm… sa ngayon, hindi ko pa po alam.”

Pero willing ka ba?

“Ah… professional naman ako, eh. Kaya ko naman yon,” sagot niya.

Six years from now pa balak magpakasal ni Jennylyn.

“Twenty nine ako ngayon so 35 na ako six years from now, do’n ready na akong magpakasal. Sa ngayon kasi, malayung-malayo pa po.”

Sinigurado naman ng singer-actress na hindi na mauulit ang nangyari sa kanya noon na nagka-baby kahit hindi kasal.

“Ay hindi na, dapat ngayon tama na. Ngayon kasal muna bago baby. Nadala na ako, eh,” sey pa niya.

Samantala, kinumpirma naman ni Jennylyn na hihinto na muna siya sa pagpo-pose ng sexy sa FHM.

“Hindi na muna. Pero depende naman. Kung magra-rank ulit, bakit hindi?

“Okay lang din kasi kumbaga, sa ano ko ngayon, parang nanay na ako, parang hindi na rin tama na mag-aano-ano pa (magpo-pose ng sexy).

“Kasi siyempe, ang tanda ko na rin, parang hindi na ako ganu’n ka-confident,” pag-amin pa niya.

Eh, kanino ba niya balak ipasa ang kanyang trono bilang sexiest Pinay?

“Naku, ang dami kong nasa isip, yung girlfriend ni Billy (Crawford), si Coleen Garcia at si Arci Muñoz,” wika pa niya.