• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristina Gonzalez is ready for daughter Sofia to remake her songs

Cristina Gonzalez is ready for daughter Sofia to remake her songs

Cristina Gonzalez also has advice for daughter Sofia about bashers.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/27/2016 8:23 AM
Cristina Gonzalez is ready for daughter Sofia to remake her songs


092716-CristinaGonzales_PUSH.jpgAbala man sa kanyang tungkulin bilang lingkod Bayan ng Tacloban, tutok pa din ang dating aktres na si Cristina Gonzalez Romualdez bilang isang ina sa kanyang anak na si Sofia Gonzalez na kamakailan ay pumirma ng kanyang Management Contract sa Viva Entertainment.

Sa personal niyang pa-anyaya sa ilang miyembro ng press sa kanilang bayan sa Tacloban, proud nanay niyang naikuwento ang pag uumpisa ng kanyang anak na si Sofia sa industriya ng showbiz.

"I really can't say showbiz but her passion is music, she writes music, she plays instruments, she sing songs. Dati hindi ko naman pinapansin pa kasi bata pa naman, but now she really wants to write songs and have an album na, so ngayon naintindihan ko ang kanyang passion bilang isang dating arista."

Dahil sa potensiyal ng kanyang anak sa pag-awit at bilang isang dati din mang aawit naitanong din kay Mayor Cristina kung papayag ba siya na ipamana ang ilan sa kanyang mga naging awitin sa kanyang anak na si Sofia,

"Siguro yung ‘Handang Umibig’ yun lang siguro yung hindi trendy kasi most of my songs. Parang iba and hindi na bagay siguro sa kanila ngayon, kaya ayun yung medyo pwede niya gawin at akma pa kasi love song."

Kamakailan din naging trending din sa social media si Sofia tungkol sa naging opinyon nito sa nagdaang eleksyon at naitanong din kay Mayor Cristina kung ano ang kanyang mga naging payo sa anak lalong lalo na sa pag handle ng kritiko at mga bashers.

"Siguro nadala lang siya dahil emotion ng election, pero pinagsabihan ko talaga siya as a mother and she also realizes naman and in fact  nag sorry naman din naman siya but there still mean people who liked to hate ang sabi ko lang 'What ever happens in social media, just be careful and think what you tweet.'” pagtatapos nj Cristina.