Sofia Gonzales wants to be a singer

Sofia Gonzales doesn’t want to try acting just yet.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/26/2016 8:49 AM
Sofia Gonzales wants to be a singer


092616-Gonzales_main.jpgIpinakilala ni Tacloban City Mayor Cristina Gonzales Romualdez ang kanyang anak na si Sofia Gonzales sa ilang members of the press na dumayo sa Tacloban City. Napaka-candid at raw ni Sofia dahil diretso ito sumagot sa mga tanong sa kanya.


Una na dito ang kanyang talento sa pagkanta at pagkocompose ng mga awitin. Ibinahagi ni Sofia kung paano niya nai-compose ang kantang “Love Hurts.”


"It was 3 in the morning. I was bored and I couldn’t sleep so I just wrote it."


17 years old lang si Sofia at pumirma na ng management contract sa Viva Entertainment. Sa ngayon pagkanta at pagko-compose lang daw muna ang hilig niya at wag muna ang acting.


"I just want to sing and write music. In the local scene, i love Yeng Constantino and KZ Tandingan."


Hindi naman nag-deny si Sofia na crush niya sina James Reid at Enrique Gil na di niya pa nakikilala nang personal.


Sa pagpasok niya sa showbiz, maraming bilin ang kanyang parents lalo na si Cristina Gonzales na artista rin noon.


"They always tell me to be humble and always have God in everything I do."


Kahit na lumaki sa prominenteng pamilya na may influence ng showbiz at pulitika, simpleng probinsyana pa rin si Sofia na gusto makatapos ng pag-aaral.