• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinay Rose Velasquez is a four-chair turner on ‘The Voice of Romania’

Pinay Rose Velasquez is a four-chair turner on ‘The Voice of Romania’

Filipina wows four judges in The Voice of Romania.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/26/2016 12:40 PM
Pinay Rose Velasquez is a four-chair turner on ‘The Voice of Romania’


092716-Rosemarie_PUSH.jpgSa ulat mula sa TV Patrol, pinahanga ng 28-year-old Pinay na si Rose Velasquez ang mga judges ng The Voice of Romania ng kantahin niya ang kanyang audition piece na “Rise-Up” ni Andra Day. Four-chair turner si Rose. 

Proud kay Rose ang kanyang pamilya na nakatira sa Arayat, Pampanga. Ayon sa kanyang ina, five years old pa lang si Rose ay mahilig na itong kumanta. At sa kanya raw namana ni Rose ang hilig nito sa pagkanta.

Singer si Rose sa isang music bar sa Malaysia at nag-tour siya ng tatlong buwan sa Romania, kung saan nandun ang kanyang boyfriend. Doon siya kinumbinse ng mga kaibigan na sumali sa The Voice of Romania.

Ayon kay Rose, “di ko din po inasahan na iikot lahat. Sabi ko okay lang naman kahit isang chair lang masaya na.”