• Home
  • Fresh Scoops
  • Kakai Bautista admits she got star-struck working with Charo Santos

Kakai Bautista admits she got star-struck working with Charo Santos

Kakai Bautista is all praises for Charo Santos’s acting and humility on the set.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/26/2016 8:51 AM
Kakai Bautista admits she got star-struck working with Charo Santos


092616-KakaiBautista_PUSH.jpgGrabe ang pagka-star struck ng comedienne-singer na si Kakai Bautista sa bida ng pelikulang Ang Babaeng Humayo na si Charo Santos. Hindi rin daw siya makapaniwala na nakatrabaho niya ito at karamihan ng eksena ng aktres ay kasama siya.

“Grabe, napaka-soft spoken niya, parang laging may binabasang sulat,” pabiro niyang pahayag.

Sobrang humble din daw ng dating presidente at CEO ng ABS-CBN. Naglalakad daw ito sa ulan at sa shooting ay wala silang standby area pero okay lang daw sa lady boss.

“Si Ma’m Charo po, sobra-sobrang humble, sobrang jologs na sosyal na hindi mo maintindihan at kahit ano na lang. Hindi siya ‘yung, ‘o pengeng tissue.’ Mas ako pa nga ang ganu’n,” kuwento pa niya.

Pagdating naman sa pag-arte, ayon kay Kakai ay napapanganga siya kapag kaeksena si Charo. Nagtataka nga raw ito kung bakit ngayon lang ulit gumawa ng pelikula.

Pagkatapos din daw ng kanilang eksena ay tinatanong pa siya ni Charo kung kumusta ang acting niya. Hindi raw siya talaga agad nakasagot at natulala na lang siya.

“Kasi parang… si Mama Mary ba ang bumaba sa lupa?” Tapos, sa status niya, tatanungin pa niya ako? Ibang klase di ba? Award-winning actress siya, presidente siya dati ng ABS-CBN, tapos ako, sino ba naman ako, tapos itatanong niya sa akin kung okey ba yung acting niya. Nakakaloka, di ba?” napapailing na kuwento ng komedyante.

Dagdag pa niya kapag kaeksena niya si Charo, “Hindi mo napapansin sa sarili mo na umiiyak ka na pala. Kasi sa sobrang lalim, sa sobrang husay ni Madam sa eksena na ‘yun, hindi ko nare-realize, tumutulo na pala ‘yung luha ko sa sobrang galing niya.

“Sobrang suwerte na ang solid lahat, from the staff, from the artist, grabe. Saka si Ma’m Charo, wala talaga akong masabi. Talagang kulang na lang, belo. Umiilaw siya kahit ang dilim-dilim sa Mindoro. Grabe si Ma’m Charo, grabe itong pelikulang ito. Hay!” pagmamalaki pa ni Kakai.

Isang simpleng, “wala na akong masabi,” naman ang reaksyon ni Charo sa mga sinabi sa kanya ni Kakai.

Palabas na ang Ang Babaeng Humayo sa September 28. Produced ito ng Cinema One Originals at Sine Olivia Pilipinas and distributed by Star Cinema.