Eric ‘Eruption’ Tai talks about how he met his wife

Eric ‘Eruption’ Tai’s wife was a fan who reached out to him online.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/26/2016 12:44 PM
Eric ‘Eruption’ Tai talks about how he met his wife


092616-EricTai_PUSH.jpgSa Rated K, tampok kung paano nakilala ni dating It’s Showtime host Eric “Eruption” Tai ang kanyang wife na si Rona.

Fan ni Eruption si Rona at isang araw nagmessage si Rona ng, “Uy, ang galing mo naman magsayaw greet mo naman ako.” Reaksiyon pa diumano ni Eruption sa message ni Rona ay, “sino ka?” Ngunit hindi raw napagbigyan ni Eruption ang request ni Rona na batiin niya ito.

Pero mukhang naging okay naman ang lahat sa pagitan nila dahil noong 2012, naging si Rona at Eruption na. Last year naman, 2015, ay naganap ang isang romantic proposal na naganap sa  Bulkang Mayon. Tumawid si Eric at Rona ng ilog, umakyat sila ng bundok at nag-camping bago tinanong ni Eruption si Rona ng isang matamis na “will you marry me?”

Pagmamalaki pa ni Rona, “dun ko nalaman na hindi lang siya yung gwapong lalaki na talented kasi nung nakilala niya ako I was 230 lbs. I was a lot bigger pero na overcome niya kaya dun ko nalaman na itong lalaki mahal ako.”