• Home
  • Fresh Scoops
  • Charo Santos reveals why John Lloyd Cruz’s role in ‘Ang Babaeng Humayo’ was kept secret

Charo Santos reveals why John Lloyd Cruz’s role in ‘Ang Babaeng Humayo’ was kept secret

Charo Santos also clarifies that they are happy for ‘Ma’ Rosa’ being selected for the Oscars.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/26/2016 5:00 PM
Charo Santos reveals why John Lloyd Cruz’s role in ‘Ang Babaeng Humayo’ was kept secret


092616-CharoSantos_PUSH.jpgSeventeen long years pala bago ulit gumawa ng pelikula ang dating presidente at CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos. At sa kanyang pagbabalik-pelikula ay isang Lav Diaz masterpiece ang ginawa niya—Ang Babaeng Humayo—na nag-uwi pa ng prestihiyosong Golden Lion Award sa 73rd Venice Film Festival.

Pagtatapat ni Charo, hindi niya raw in-expect na mananalo ang kanilang pelikula sa Venice at wala rin sa isip niya kung mananalo ba siya o hindi ng acting award.

“That has never been foremost in my mind. I mean, pagka-simula ko ng pag-aartista, hindi naman ako gumagawa ng pelikula para manalo. Gumagawa ka ng pelikula because of your passion for the craft dahil gusto ko.

‘’Yung pagkakapanalo, parang bonus na ‘yun, eh. Like nag-usap kami ni direk Lav nung March, gumawa kami ng pelikula nung Mayo, hindi naman namin inisip na mapiipili siya sa Venice Film Festival at lalong hindi namin inisip na mabibigyan siya ng Best Film, Golden Lion award.

“So, that has never been my motivation. If it’s there, it’s an affirmation of the hard work that you’ve done. Pero hindi dapat ‘yun ang tinitingnan,” paliwanag ni Charo.

Nagbigay din ng reaksyon ang dating president eng ABS-CBN kung bakit during the red carpet sa Venice na lang nabalita na kasama rin sa pelikula si John Lloyd Cruz.

Ayon sa aktres, sinadya raw ni Direk Lav na ilihim ang tungkol dito.

“That was really part of the plan. Pinakiusapan talaga kami ni Direk Lav not talk about John Lloyd’s role in the movie kasi we didn’t want to preempt nga the premiere screening of the film. Kasi, naiiba talaga ‘yung ginampanan niya.

“Now the cat is out of the bag, he’s really great in this movie,” wika pa niya.

Eh, kumusta namang katrabaho si John Lloyd?

“Naku, talagang ano, si John Lloyd, seryosong-seryoso sa craft niya. Hindi mo makausap kahit na lunch break. He’s in character. The moment that he’s done for his makeup, in character na siya. Hindi mo na siya makakausap bilang John Lloyd.

“He was in character all the way up to the last shooting day. Basta naka-make-up na siya, in character na siya. Tapos magbabalik lang siya sa pagiging John Lloyd kapag nakaligo na siya, nagpalit na siya into regular clothes. Doon mo lang siya makakausap na John Lloyd,” pagde-describe pa niya sa award-winning actor.

Natanong din si Charo kung ano ang naramdamam niya na ang Ma’ Rosa ang napili sa Oscars for the Best Foreign Language Film category at hindi ang kanilang pelikula.

“Siyempre, it would have been great if our film was chosen, pero iba-iba ang panlasa ng tao, eh. Iba-iba ang panlasa natin and you accept that. Kung hindi napapanahon, di hindi. May pagka-philosophical kasi ang pagtingin ko sa buhay, eh. Kung hindi nauukol, eh di hindi naman. You just go with the flow and move on and we just be all happy for Ma’ Rosa,” katwiran niya.

Palabas na ngayong September 28 ang Ang Babaeng Humayo.