Artista sila ngayon, ano sila noon?

Actors Coco Martin, Jericho Rosales, Arci Munoz and comedian Negi used to work these jobs.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/26/2016 12:32 PM
Artista sila ngayon, ano sila noon?


092616-Negi_PUSH.jpgSa Rated K, tampok ang mga sikat na artista na noon ay merong mga ordinaryong trabaho katulad ni Ang Probinsiyano star Coco Martin na noon pala ay isang janitor sa Alberta, Canada. Si Jericho Rosales naman na bida sa teleseryeng Magpahanggang Wakas ay dating tindero ng isda sa Marikina.

Binuo naman ni Magpahanggang Wakas star Arci Munoz ang bandang Philia noong 2007. At kahit mas busy na siya ngayong sa pag-aartista ay may oras pa rin siya sa kanyang banda. Tutulak si Arci at ang kanyang banda papuntang Dubai ngayong katapusan ng September para magperform sa isang rock music festival.

Ang komedyante naman na si Negi ay dating tagatanggal ng tinik ng bangus sa Malabon Public Market. Malayo na ang narating ni Negi pero nanghihinayang siya na hindi nakita ng kanyang Nanay ang kanyang pagsikat. “Pangarap niya na sumikat ako, makita niya ako sa TV, mapanuod. Kaya lang nga hindi na niya naabutan, nawala ang Nanay ko apat na taon na ang nakakaraan. Kung mapapanuod niya ito, sobrang proud niya sa akin.”