• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga on rebound relationships: ‘Ayokong manggamit ng tao, kasi ayaw ko rin gawin sa akin yun

Alex Gonzaga on rebound relationships: ‘Ayokong manggamit ng tao, kasi ayaw ko rin gawin sa akin yun

Alex Gonzaga and Joseph Marco talk about rebound relationships

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/26/2016 12:24 PM
Alex Gonzaga on rebound relationships: ‘Ayokong manggamit ng tao, kasi ayaw ko rin gawin sa akin yun


092616-AlexG_PUSH.jpgSa Gandang Gabi Vice, nagkwento si My Rebound Girl star Alex Gonzaga at Joseph Marco sa mga karanasan nila sa pag-ibig na “panakip butas” lang.

Si Joseph ay nagkaroon diumano ng girlfriend less than a month matapos ang previous relationship niya pero hindi niya ito matatawag na rebound relationship. Aniya, “less than a month pa lang kaming break nung ex ko tapos naging kami, tapos tumagal kami kaya hindi ko masasabing rebound.”

Si Alex naman ay nagkaroon ng manliligaw na nagsabi sa kanyang, “Cathy, kahit gawin mo na akong rebound, kahit gamitin mo ako, ako na lang yung pang ano mo, okay lang.” Pero proud si Alex na hindi siya pumayag. Ayon kay Alex, “kasi ayokong manggamit ng tao kasi ayaw ko rin gawin sa akin yun.”

Pagtatapos naman ni Joseph, pwede rin naman daw magtagal ang isang rebound relationship lalo na pag narealize ng isang tao na better ang karelasyon niya ngayon kesa sa previous relationship niya.