• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennylyn Mercado reveals why her movie with Coco Martin did not push through

Jennylyn Mercado reveals why her movie with Coco Martin did not push through

Jennylyn Mercado is focusing on her music for now.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/25/2016 8:13 AM
Jennylyn Mercado reveals why her movie with Coco Martin did not push through


092516-JennylynMercado_MAIN.jpgWala munang Metro Manila Film Festival movie si Jennylyn Mercado ngayong 2016. Ito ang naikuwento niya sa Push.com.ph sa ginanap na launching ng bago niyang album titled Ultimate na prinodyus ng Ivory Music and Videos.

 “Pahinga lang. Hindi kasi namin… basta mahabang kuwento. Kasi po nagkaroon ng problema kasi dapat po sisimulan na namin yung gagawin kong soap sa GMA kaya lang po na-delay siya.

 “So nu’ng time na yon, hindi namin tinanggap yung movie kasi sabi ko, magso-soap ako at gusto ko namang mag-focus sa soap kasi baka mamaya, haggard-haggardan na naman ako. Tapos yon po, na-delay din yung soap. Baka last week pa ng October ang taping namin,” rason ng dalaga kung bakit hindi natuloy ang pelikula na pagsasamahan sana nila ni Coco Martin sa Star Cinema.

 Dagdag pa ni Jennylyn, kung nalaman lang daw niya na made-delay ang paggawa niya ng soap opera sana raw ay tinanggap na lang niya ang pelikula.

 Dahil walang pelikula at hindi pa naman gumagawa ng soap kaya naka-focus muna si Jennylyn ngayon sa kanyang Ultimate album na nag-number one na agad sa iTunes  ang carrier single niyang “Hagdan.”

 “Nagulat nga ako kasi sabi ko parang wala pang 24 hours na nakalabas siya. Natuwa naman ako kasi kahit papaano gusto pa rin nila yung OPM, di ba?”

 Eh, ang anak niyang si Jazz gusto rin ba niyang maging singer?

 “Oo naman, kasi si Jazz nasa tono. Hindi siya sintunado. Kinabahan nga ako, eh. Kasi parang lahat na lang namana niya sa tatay niya – itsura, buti namana naman niya yung pagkanta ko,” natatawa niyang reaksyon.

 Hindi ba nagseselos si Jazz sa mga nagiging leading men niya?

 “Hindi ko po siya pinapanood ng TV, eh. Ang pinapanood niya lang puro cartoons. Hindi po siya nanonood ng TV, yung mga soap, kahit movie hindi rin po. Mga movies lang na cartoons, oo.”

 Samantala, ibinalita rin sa amin ni Jennylyn na may bonus track ang kanyang Ultimate album na isang Christmas song.

 “Ini-record ko na po yung ‘Nakaraang Pasko’ (orihinal na kinanta ni Kuh Ledesma). Actually, meron po talaga kaming song na napili na kaya lang nagkaroon ng problema, so pinalitan po ng OPM. Tapos pinapili nila ako, parang mga seven Christmas songs yon at yung ‘Nakaraang Pasko’ ang napili ko,” kuwento pa ng singer-actress.