• Home
  • Fresh Scoops
  • Albie Casino’s mom believes ‘the truth will set you free’

Albie Casino’s mom believes ‘the truth will set you free’

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

9/25/2016 1:43 AM
Albie Casino’s mom believes ‘the truth will set you free’


092416-Albie_POD.jpg

Matapos kumalat ang balitang kinumpirma ng kapatid ni Andi Eigenmann na si Max sa Good Times with Mo na si Jake Ejercito di umano ang biological father ng pamangkin niyang si Ellie, nagpost kagabi ang aktor na si Albie Casiño sa kanyang Instagram account ng “Thank you.”

Read: Max Eigenmann confirms Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann’s daughter

Ang kanyang ina na si Rina Casino ay tila nakaramdam ng relief sa matagal na isyung ito. Nag-post kasi siya ng verse from the bible kung saan sinabi, ‘the truth will set you free.’ Ilang taon din daw nila ipinagpasa-Diyos ang ilang mga bagay-bagay.

Kahit hindi direktang binanggit ng mag-ina ang isyu, inisip ng netizens na ito ay dahil sa pagsisiwalat ni Max.

Noong pinagbubuntis kasi ni Andi si Ellie, sinabing si Albie daw ang ama ng dinadala niya.