• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Nathalie Hart reacts to ‘close to porn’ feel of launching film ‘Siphayo’

EXCLUSIVE: Nathalie Hart reacts to ‘close to porn’ feel of launching film ‘Siphayo’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/23/2016 9:28 AM
EXCLUSIVE: Nathalie Hart reacts to ‘close to porn’ feel of launching film ‘Siphayo’


092316-Nathalie_main.jpgMuntik nang hindi ituloy ni Nathalie Hart na gawin ang launching movie niyang Siphayo sa BG Productions International dahil pakiramdam daw niya ay porn movie na ang kanyang ginagawa. Kinausap din daw niya nang masinsinan si Direk Joel Lamangan tungkol dito.

“Nung time na umiyak ako do’n sa second day, sinabi ko talaga kay Direk Joel, ‘Direk ayoko pong maging porn star.’ Gumanun talaga ako. Kasi ang akala ko ganu’n, na close to pornography na yon.

“Alam mo ang sabi niya, ‘I am proper director. I don’t do porn, what do you think? This is going to be an artistic shot but it requires nudity. And you know what, I am doing something and you will not look cheap, I promise you this.’

“Pero kahit sinabi niya yon, iyak pa rin ako nang iyak. Naghubad na ako sa harap ng mga naging boyfriend ko, pero siyempre ibang usapan na yon kasi private na yon, pero kung hindi ka pa naghubad sa buong buhay mo sa pelikula at sa harap ng ibang tao, talagang masa-shock ka,” pahayag sa Push.com.ph ni Nathalie.

First shooting day pa lang daw ay maselang eksena agad ang kinunan sa kanya ni Direk Joel.

“Hindi ko naman po akalain na yung first shooting day, shower scene agad at kailangan ko na agad mag-frontal nudity tapos kita yung back ko. Naloka talaga ako, parang gusto ko na talagang mag-back out nung time na yon.”

Pero may na-realize daw siya after ng shooting.

“Pag-uwi ko ng bahay at nu’ng nagising ako, naisip ko na bakit pa ako magba-back out, nagpakita na ako, eh? Nung time na yon, eh, wala na, bahala na kung ano ang mangyayari sa akin, wala na akong pakialam.”

Pero every time na may love scene hindi pa rin daw niya mapigilang maiyak.

“Kasi, kung ikaw, hindi ka naman sanay na hinahawakan ng iba ang katawan mo, maiilang at magagalit ka talaga, eh. Pero siyempre, nando’n ka na, inisip ko na lang talaga na trabaho itong ginagwa ko. Pero mahirap pala, lalo na hindi naman ako sanay sa ganu’n,” katwiran ng dalaga.

“Saka hindi lang naman yung co-actors ko ang makakakita ng katawan ko, pati yung mga taga-production. Yung production crew nakita na nila yung katawan ko,” dagdag pa ni Nathalie.

Samantala, inamin din ni Nathalie na tutol ang nanay niya na maghubad siya sa pelikula.

“’Yung nanay ko, nung una hindi niya tinanggap yung movie. Sabi niya, ‘Anak, unang-una ikaw ang bahala diyan. Matanda ka na, alam mo na yung ginagawa mo. Pero kung ako yung tatanungin mo, wag na lang.’

“Pero sabi ko, ‘Ma, matanda na ako at saka kailan ko pa ba gagawin ‘to, pag 35 years old na ako?’ Eh, wala na, sabi ko ko, kung ano yung mapapakita ko, sexy pa ako ngayon, ipapakita ko na.

“Saka pinagkatiwalaan ko rin naman talaga ang director ko. Hindi ko ito tatanggapin kung hindi si Direk Joel ang director ko kasi natatakot talaga akong gawin ito sa totoo lang,” pagtatapos ni Nathalie.