• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Alora Sasam admits physical appearance is the reason for her NBSB status

EXCLUSIVE: Alora Sasam admits physical appearance is the reason for her NBSB status

Alora Sasam also talks about her early struggles in showbiz

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/23/2016 9:28 AM
EXCLUSIVE: Alora Sasam admits physical appearance is the reason for her NBSB status


092316-Alora_main.jpgAminado ang Star Magic artist na si Alora Sasam na kasama sa pelikulang My Rebound Girl nina Joseph Marco at Alex Gonzaga na no boyfriend since birth (NBSB) pa siya.

“Hinahanap ko siya, pero wala talaga. Minsan, ikaw na yung unang nagsi-search tulad nu’ng may crush ako dati sa Facebook, parang brother-in-law siya nu’ng ano ko, nag-try akong mag-approach. Wala, seen zone talaga. Hindi talaga umuobra,” natatawang simula ng dalaga sa Push.com.ph.

Sa tingin ba niya malaking factor ang physical appearance niya kaya walang nanliligw sa kanya?

“Naman!” walang paliguy-ligoy niyan sagot.

“’Yon nga, eh, kasi sabi nila, kapag may na-meet kang isang person physical attraction agad. Do’n agad sablay na ako,” tawa pa niya.

“Pero siyempre, gusto ko rin talagang makahanap ng lalaki na tanggap kung gaano ka kabaliw, tanggap ito (itsura) lahat, di ba. Sana talaga dumating din yon,” pag-asam pa niya.

Eh, ano ba ang kanyang ideal dream boy?

“Gusto ko siyempre yung family-oriented. Gusto ko rin yung matangkad, may dimples tapos tahimik na parang mysterious ang ating. Yung tipong Arjo Atayde ang dating. Naa-attract din ako sa magagaling umarte,” sagot ni Alora.

Graduate ng Nursing si Alora from Iligan City bago siya nagpunta ng Maynila para subukan ang pag-arte. Awa ng Diyos, nabibigyan na siya ngayon ng mga roles sa teleserye at pelikula mula sa pa-ekstra-ekstra lang noon.

Gaano ba kahirap ang mamuhay ng mag-isa sa Manila?

“Mahirap lalo na kung wala kang relatives dito. One month akong naki-stay sa college mate ko dati. May time na kahit pang-kape wala ako talaga. Yung nangungutang ka na lang. Hindi mo alam kung kanino ka mag-a-audition kasi baguhan ka pa lang at wala kang kilalang TC (talent coordinator).

“Tapos rumaraket ako as mock-up players ng Minute To Win It para sa management preview so may 500 ka na do’n, pangkain mo na. Minsan sa Star Magic workshops kami yung nag-a-acting tapos gagayahin ng mga workshoppers. Walang suweldo yon, pero may libreng kain ka na, ganu’n.

“Ngayon naman, kahit papaano nabago na… baby steps. Nakakapagpadala na ako ng pera, napatapos ko na rin yung kapatid ko ng Criminology… May mga dumarating naman talagang trabaho kaya okey na rin ako kahit papaano,” masayang pahayag ni Alora.