• Home
  • Fresh Scoops
  • Enrique Gil offers PBB teen housemate Maymay to be part of a LizQuen love triangle

Enrique Gil offers PBB teen housemate Maymay to be part of a LizQuen love triangle

Enrique Gil talks about being back in school

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/23/2016 11:04 AM
Enrique Gil offers PBB teen housemate Maymay to be part of a LizQuen love triangle


092316-Enrique_main.jpgSa ulat ni MJ Felipe para sa Bandila, kinwento ni Enrique Gil ang pagkikita nila ni Pinoy Big Brother teen housemate Maymay Entrata, na isang Enrique fan. “Natutuwa ako sa kanya, saka sobrang gaan niya… para siyang cartoon.” Sinabi rin ng aktor kay Maymay na, “nakakatuwa na fan kita, ngayon ako na yung fan mo.”

May proposal rin si Enrique kay Maymay na hindi naman tinanggihan ng dalaga, “dahil sobrang natutuwa ako sayo, nakakatawa ka, sabi ko gusto ko maging triangle ka namin papayag ka ba? Um-oo naman siya.”

Kasabay ng pag-shoot ni Enrique ng bago nilang pelikula ng ka-love team na si Liza Soberano ang kanyang pagbabalik eskwela. “Eight years na wala akong school. I took Business Management because I’m doing my business now, so it would really help me you know, if ever mawala na ako sa showbiz.”

Hinikayat rin niya si Liza na mag-aral, at nakapag-submit na raw ng application forms sa school ang aktres.