• Home
  • Fresh Scoops
  • Fanny Serano’s secretary gives an update about his health status

Fanny Serano’s secretary gives an update about his health status

The makeup artist has already undergone an angioplasty a couple of years ago.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

9/22/2016 9:24 AM
Fanny Serano’s secretary gives an update about his health status


092216-Fanny-MAIN.jpgMatapos makumpirma na nagka-stroke ang makeup guru na si Fanny Serano, nagbigay naman ng pahayag ngayong araw ang kanyang secretary tungkol sa kalagayan nito. 

Napabalitang naapektuhan ang motor skills ni TF (palayaw ni Fanny), pati na rin ang kanyang paggalaw at under observation ito sa Philippine Heart Center.

Read: Fanny Serrano suffers from a stroke

Mula sa Instagram ng malapit na kaibigan ni Fanny, ang fashion designer na si  Frederick Peralta, ipinost nito ang mensahe ng secretary ni Fanny kung saan sinabi nito na may blood clot sa puso ang makeup artist na naging dahilan kung bakit siya nagka-stroke. 

Noong nakaraang mga taon, sumailalim na sa angioplasty at heart surgery si TF kaya mahina na ang kanyang puso. Tumataas din daw ang blood sugar niya na pwedeng sanhi ng stress, pag-aalala at walang pahinga.

Sa ngayon daw ay nagpapagaling na siya at nag normalize na ang pananalita.

Humihingi din ng dasal ang iba pang kaibigan sa showbiz ni TF para sa kanyang mabilis na pag galing.