• Home
  • Fresh Scoops
  • Eric Quizon to help direct Miss Universe pageant in the Philippines

Eric Quizon to help direct Miss Universe pageant in the Philippines

Eric Quizon also gives an update about the settling of their father’s estate.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/22/2016 8:33 AM
Eric Quizon to help direct Miss Universe pageant in the Philippines


092216-EricQuizon-MAIN.jpgSi Eric Quizon ang bagong endorser at business partner ng Montage Skin Science and Aesthetics na matatagpuan sa South Triangle, Quezon City. Sa launching ni Eric sa nasabing skin clinic nagbigay siya ng update ng mga pinagkaka-abalahan niya sa ngayon. Isa na daw dito ang pagiging isa sa mga directors ng paparating na Miss Universe beauty pageant na magaganap sa Pilipinas. Isa si Eric sa mga direktor ng segments na may kinalaman sa charity.

 "Wala pang final sa discussion. Pinag-uusapan pa namin but definitely because we’re trying to focus on the charity works mas may focus doon sa anggulo ng charity."

 Nagbigay update pa ang aktor sa mga naiwang yaman ng kanyang ama na si Dolphy.

 "Kung ano man ang nangyayari sa estate all the heirs alam nila lahat; it has to be agreed upon by everyone. Hindi pwede na ako lang ang mag desisyon so ang maganda kung dyan lahat kami, nagkakaisa sa mga nagiging desisyon so far which is good."

 Aminado si Eric na medyo matagal ang naging proseso ng mga proyekto ng kanilang pamilya sa mga naiwan ni Mang Dolphy pero nagkakasundo naman silang magkakapatid sa mga desisyon.

 "My dad has been dead for three years. Maraming on hold, marami mga transaction na di natupad pero right now okay naman lahat. Ang magagandang transaction ko for the family for the estate natutupad naman lahat."

 Ipinagmalaki ni Eric na matutuloy na ang isang malaking project na magbibigay pugay sa kanyang ama bilang haligi ng local entertainment scene.

 "Basically were doing a joint venture with a company and we’re calling it DolphyVille and it has something to do with real estate. Malapit na yun. Lahat ng request ng family like yung museum plus other things matutupad siya," sabi pa ni Eric.