• Home
  • Fresh Scoops
  • Bela Padilla says she won’t be returning to teleseryes yet

Bela Padilla says she won’t be returning to teleseryes yet

Bela Padilla admits she wants to concentrate on making movies for now.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/23/2016 1:21 AM
Bela Padilla says she won’t be returning to teleseryes yet


092216-BelaPadilla-MAIN.jpgPagkatapos gumanap bilang Carmen sa teleseryeng Ang Probinsyano ni Coco Martin ay wala raw munang balak mag-teleserye ulit si Bela Padilla. Ayon sa aktres na bida sa I America na kasalukuyang ipinapalabas, magku-concenrate daw muna siya sa movies.

 Hindi ba niya nami-miss ang soap opera?

 “Nami-miss din, pero iba kasi yung fulfillment ng mapanood mo rin yung isang buong pelikula na alam mo na yung ending. Kumbaga, sa isang upuan, may result ka na. Kasi nga, hanggang ngayon, hindi pa rin nahahanap yung pumatay kay Carmen,” pahayag ni Bela na naging dahilan para magtawanan ang press.

 “Di ba, sa totoo lang po, parang ang hirap mag-move-on pag sa soap kasi yung lahat ng magandang mangyayari sa bawat karakters sa dulo pa mangyayari yon. Eh, pag pelikula, makikita mo agad. Lalabas ka sa sinehan na okey na,” patuloy pa niya.

 Meron daw namang offer sa kanya to do a teleserye pero hindi raw talaga niya ito kakayanin.

 “Actually, may mga binibigay naman po, pero kasi meron din po akong uumpisahan na movie ngayong October kaya nag-decide yung Viva muna na baka next time.

 “Hindi ko naman po tinatanggihan. Gusto ko nga po pero naka-yes na po kasi kami sa material so nakakahiya na bawiin pa yung sinabi mo and matagal na pong in-offer sa akin yon... Alam ko po yung next show ko sa Dreamscape pa rin naman po,” sabi pa niya.

 After ng Ang Probinsyano at Camp Sawi ay masasabing tumaas na ang level ng pagiging artista ni Bela. Ramdam ba niya ito?

 “Minsan nga po pagkagising ko, nakakalimutan ko na artista ako, eh. Ang gulo kasi ng buhok ko pag bagong gising ako… Wala pa, eh. Hindi ko kasi nakikita yung sarili kong ganu’n. Parang… naka-flat shoes nga lang po ako. Kung sa ibang artista siguro baka heels na ang suot di ba?

 “Hindi ko kasi nakikita yung sarili ko na ganu’n. Saka nai-enjoy ko kasi yung pagka-behind the scenes din. So, I think, that’s something naman na I appreciate about myself, na hindi ko binibigyan yung sarili ko ng expectations na ‘O, dapat after nito yung next movie mo ganyan na.’

 “Wala pa naman akong ganu’n at sana hindi ako magkaroon. Wala akong ganung expectations sa sarili ko, so, mas masarap magtrabaho kasi masaya lang ako, gusto ko lang yung ginagawa ko,” katwiran pa ng Kapamilya actress.