• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis nagreact sa mga taong nangungulit kung kelan siya ikakasal

Anne Curtis nagreact sa mga taong nangungulit kung kelan siya ikakasal

May pressure ba kay Anne na mag-asawa na dahil nagpakasal na ang kanyang mga malalapit na kaibigan?

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

9/22/2016 8:54 AM
Anne Curtis nagreact sa mga taong nangungulit kung kelan siya ikakasal


092216-AnneCurtis_MAIN.jpg

Dahil nagpakasal na ang kanyang mga best friends na sina Georgina Wilson, Solenn Heussaff at Isabelle Daza nitong taon, marami ang nagtatanong kung kelan naman magpapakasal si Anne Curtis. 

Matagal na kasing in a relationship sina Anne at ang kapatid ni Solenn na si Erwann. 

LOOK: Anne Curtis and Erwan Heussaff’s kilig vacation in Japan 

Na-prepressure na kaya ang dalaga? 

Ayon sa interview ni Mario Dumaual para sa ABS-CBN News, hindi pa rin nagbabago ang plans ni Anne tungkol sa pag-aasawa. 

"It will happen at the right time and don't worry, hindi ko naman itatago. It will happen all in His right time," giit ni Anne. 

Busy naman ngayon sa shooting ng kanyang bagong pelikula si Anne, ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend? kasama sina Dennis Trillo at Paolo Ballesteros. Kwento daw ito ng mga babaeng may boyfriend o asawang bading at sure si Anne na maraming makakarelate dito.