Alex Gonzaga admits she’s still looking for Mr. Right

Could Joseph Marco be the one Alex Gonzaga is looking for?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/23/2016 1:22 AM
Alex Gonzaga admits she’s still looking for Mr. Right


092216-AlexGonzaga-MAIN.jpgUmabot ng nine years bago nagkaroon ng launching movie si Alex Gonzaga kaya malaki ang pasasalamat niya sa Regal Films na binigyan siya ng pelikulang My Rebound Girl kapartner si Joseph Marco na huli niyang nakatrabaho sa TV series na Pure Love.

 Ano ba ang feeling na nabigyan na siya ng biggest break sa big screen?

 “Siguro naman, sa lahat ng nag-aartista or pumapasok sa showbiz, gusto nila ‘yung opportunity na ganito kalaki. Ako, hindi ko siya talaga ‘yung sobrang…’yung ‘sana, sana dumating na.’ Parang inaantay ko lang na may dumating sa akin and if ukol, bubukol.

 “So, finally, itong proyektong ito ay dumating and then, nag-push through. Parang hindi pa actually nagsi-sink-in sa akin kasi ayokong isipin na, ‘ay grabe,’ kasi pressure masyado but dahil confident naman ako and proud ako sa nagawa namin.

 “So ‘yun, hindi ko masyadong iniisip ang pressure and of course, sobrang thankful ako sa Regal kasi sa dami ng artista na pwede nilang piliin sa ibang network or sa network namin, naisip nila ako na i-cast dito,” dire-diretsong pahayag ni Alex sa Push.com.ph.

 Nang tanungin namin si Alex kung mahigpit pa rin ba ngayon ang mommy niya (Mommy Pinty), natawa ang dalaga.

  “Parang medyo lumuwag na siya, so parang nakita lang natin na hinintay lang niyang magpakasal ang ate (Toni Gonzaga) ko,” pagbibiro ni Alex.

 “Hindi, parang mas ano na siya ngayon, kasi siguro, nasa tamang edad na rin naman ako, pero strict pa rin siya pagdating sa curfew. Tapos ’pag meron akong pinapakita sa kanya na ‘eto, mayroong nagpapa-cute sa akin,’ ’pag alam kong hindi pa rin niya approve, hindi ko na rin talaga itutuloy,” dagdag niya.

 Naghahanap na rin ba siya ng Mr. Right na pakakasalan katulad ng ate niya?

 “Siyempre, gusto mo na may makasama ka na at talagang may magtitiis sa ’yo, at may tatanggap sa iyo at may magtatagal talaga sa ’yo at ’yung talagang walang balak na iwan ka. So, ’yun talaga ang gusto mong makasama,” sey pa ni Alex.

 Kung si Joseph daw ang kanyang tinutukoy ay hindi pa raw siya sigurado.