• Home
  • Fresh Scoops
  • Sen. Kiko Pangilinan clears Sharon Cuneta’s name on her alleged concert in Bilibid

Sen. Kiko Pangilinan clears Sharon Cuneta’s name on her alleged concert in Bilibid

Sen. Kiko Pangilinan says Sharon Cuneta only sang for the inmates because of her show.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

9/21/2016 9:49 AM
Sen. Kiko Pangilinan clears Sharon Cuneta’s name on her alleged concert in Bilibid


092116-SharonCuneta_PUSH.jpgNadawit ang pangalan ni Sharon Cuneta nang banggitin ng isa sa anim na witness sa House probe noong September 20 na isa si Megastar sa nag-concert sa loob ng New Bilibid Prison noong 2012. Giit ng witness ay maraming naranasang pribilehiyo ang mga drug lords at inmates nang nakaupo pa si Sen. Leila de Lima bilang DOJ (Department of Justice) secretary.

Kaagad namang nilinaw ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang pangalan ng kanyang asawa sa isang statement na kanyang inilabas.

“On July 10, 2012, Sharon went to the New Bilibid Prison for the taping of her talk show, 'Kasama Mo Kapatid,' which had an episode featuring the life of inmates," saad ng senador.

"She sang four songs for the closing portion, which is the customary format of the show. She sang 'Maging Sino Ka Man,' 'Tubig at Langis,' 'Kahit Konting Pagtingin,' and 'Kahit Maputi Na ang Buhok Ko' but only to support RockEd's outreach program for prisoners,” dagdag pa niya.

Binigyang linaw din ng founder ng RockEd na si Gang Badoy na sila ay nag o-organize ng concert para sa mga koreksyonal simula pa noong 2007.

“Sharon was so kind and generous to the inmates,” pahayag niya sa Twitter.