• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Maria Isabel Lopez praises Daniel Padilla for his acting in ‘Barcelona: A Love Untold’

EXCLUSIVE: Maria Isabel Lopez praises Daniel Padilla for his acting in ‘Barcelona: A Love Untold’

Maria Isabel Lopez also thanks director Brillante Mendoza for ‘resurrecting’ her career.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/21/2016 9:42 AM
EXCLUSIVE: Maria Isabel Lopez praises Daniel Padilla for his acting in ‘Barcelona: A Love Untold’


092116-MariaIsabelLopez_PUSH.jpgIsa sa most touching part ng pelikulang Barcelona: A Love Untold ay ang eksenang nagpunta si Ely (Daniel Padilla) sa bahay ng mama niya (played by Maria Isabel Lopez) para makipag-ayos na at mag-sorry.

 Ayon kay Maribel, ramdam na ramdam niya si Daniel sa naturang eksena.

 “Alam mo ba kung ilang oras kinunan yon? Limang oras yon? As in ang daming anggulo non. Can you imagine, ilang beses kaming iiyak non, pero pag tiningnan mo, parang dadaan lang. Ang gaganda talaga ng shots at nu’ng anggulo ni Inang (Olive Lamasan).

 “Ang galing ni Daniel do'n. Ramdam ko siya pati do'n sa eksena namin sa restaurant. Lahat ng scenes naming dalawa, memorable sa akin kasi ang husay niya," kuwento niya sa Push.com.ph

 "Alam mo ba na first scene namin yon ni Daniel pero drama agad. Paano mo ie-establish na mag-ina kayo? So, before the shoot, I have to hold his hands, I have to tell him na gusto ko lang ma-feel na anak kita. Lumabas namang effective, di ba? Para kaming mag-ina talaga,” patuloy pa niya.

 Ayon pa kay Maria Isabel, binati niya si Daniel sa performance nito after ng premiere ng Barcelona.

 “I hugged him, sabi ko ‘Anak, ang galing-galing mo.’ Napaka-humble. Binigay niya sa akin ang credit. Sabi niya sa akin, ‘Nay, you’re a very good support, thank you sa ‘yo,’” sey pa niya.

 Nakasama na ni Maribel noon si Daniel sa TV project na Pangako Sa ‘Yo pero hindi raw niya ito nakaeksena.

 “Hindi ko siya nakaeksena kasi si Sue Ramirez ang ginugulpi ko don. Guest lang ako sa Pangako noon,” sey pa niya.

 Ngayon ay visible sa indie films at sa telebisyon si Maribel at ayon sa kanya malaking tulong ang “eksenang” ginawa niya sa Cannes para muling mapansin.

 Nakapag-guest siya sa Ang Probinsyano at sa Doble Kara.

 “Happy naman ako sa Ang Probinsyano and I’m doing Doble Kara now. Ako do’n yung nambu-bully kay Sarah, yung mayora ng mga preso,” kuwento pa niya.

 “So, kumbaga, grateful naman ako na after Ma’ Rosa, si Brillante (Mendoza) always reinvented my career.

 “Nung Kinatay, na-resurrect ako. Nagsunud-sunod din ang raket ko non. Nag-lead pa ako non sa ilang indie films. Sa Ma’ Rosa, na-resurrect na naman ako, pero sana wag namang puro cameo role lang sa indie ang ibigay nila sa akin,” natatawa niyang pahayag.

 “Pero kahit naman cameo lang ako, I always make my cameo a role. Nagmamarka naman ako. May offer nga ako ngayon pero cameo na naman, sabi ko, sayang naman ang beauty ko.

 “Ano ‘yon, indie na nga tapos cameo pa? Thank you for the beautiful role, pero hello, nandito ako, wag naman puro cameo,” hirit pa ng aktres.

 Samantala, kasama si Maribel sa pelikulang Siphayo na pinagbibidahan ni Nathalie Hart. Ginagampanan niya sa pelikula ang role ng ina nina Joem Bascon at Luis Alandy at asawa ni Allan Paule.

 Palabas na ang pelikula sa October 3.