EXCLUSIVE: Nathalie Hart admits she had breast enhancement

Nathalie Hart also admits she doesn’t believe in long distance relationships.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/20/2016 9:37 AM
EXCLUSIVE: Nathalie Hart admits she had breast enhancement


092016-NatalieHart_PUSH.jpgInamin ni Nathalie Hart nang makausap namin siya bago ang presscon ng launching movie niyang Siphayo na na prinodyus ng BG Productions International at idinirek ni Joel Lamangan na nagpa-enhance siya ng boobs.

 “Well, nagpa-enhance po talaga ako pero everything else, natural na. Dati B po ako, ngayon C na. Konti lang po yung dinagdag kasi 32 pa rin naman ang boobs ko.

 “Ang ginawa, kumuha ng dugo sa 'yo tapos ini-inject sa ‘yo. Galing yon sa dugo mo kaya natural. Walang operasyon. Kaya nga parang bagsak, di ba? Tingnan mo, oh, di ba, parang wala lang,” sabay kapa ni Nathalie sa boobs niya na gusto pa atang dukutin para ipakita sa amin. Hahaha!

 Hindi na ba niya kakailanganin pa ng mas malaking boobs lalo na kapag bumongga na ang kanyang career after ipalabas ng Siphayo?

 “Parang hindi na naman siguro. Kung may hugis naman yung katawan mo at kung seksi ka naman, hindi mo naman kailangan ng malaking boobs, eh. Kailangan mo lang ng karisma. Siguro, dadaanin ko na lang sa emote-emote, sa projection, sa aura at sa buhok mo na lang,” tawa pa niya.

 Walang boyfriend ngayon ang Pinay-Australian sexy star. Kaka-break lang daw nila ng Arab boyfriend niya, pero hindi raw ang pagiging daring niya sa pelikula ang dahilan ng kanilang breakup.

 “Hindi rin niya kasi maintindihan yung trabaho ko kung bakit ako may kissing scene. Taga-Middle East kaya di ba, hindi puwede yung ganu’n. Napaka-conservative nila.

 “At saka hindi na rin naman nagwo-work out kasi hindi rin naman siya nakatira dito. So, ano yon, pupunta ako sa ibang bansa at ika-cancel ko yung career ko? At the end of the day, siyempre yung career ko pa rin ang importante lalo pa ngayong nag-i-start pa lang ako.

 “Kasi kung aalis ako, para saan pa yung ginawa kong paghuhubad? Para saan pa yung ginawa kong trabaho kung wala rin namang mangyayari,” paliwanag niya sa Push.com.ph.

 Hindi rin daw siya naniniwala sa LDR (long distance relationship).

 “Hindi po ako naniniwala sa LDR, eh. Depende na lang kung do’n na talaga ako ikakasal sa taong yon. Kasi at the end of the day, may makikilala’t makikilala ka.

 “Hindi ko naman sinasbi na ang sama kong tao, pero hindi mo alam kung ano yung mangyayari araw-araw. Ano yon, lagi kang nasa trabaho tapos makikita mo lang message-message na lang?

 “Siyempre, lahat tayo’y may pangangailangan, di ba? Lahat naman tayo kailangan natin kahit papaano, kung wala man yung sex, pero kailangan natin ng may makakasama. Kaya hindi ako nananiwala talaga sa LDR na yan,” katwiran pa niya.