• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Luis Alandy denies he made his co-star cry after an intimate scene

EXCLUSIVE: Luis Alandy denies he made his co-star cry after an intimate scene

Luis Alandy also says that he is not sure if matters were solved between LJ Reyes and himself after their last movie.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/20/2016 10:10 AM
EXCLUSIVE: Luis Alandy denies he made his co-star cry after an intimate scene


092016-LuisAlandy_PUSH.jpgAminado si Luis Alandy na nanibago siya nu’ng bumalik siya sa ABS-CBN after ng halos 10 years na pagkawala sa network.

 Sa interbyu ng Push.com.ph kay Luis sa presscon ng pelikulang Siphayo ng BG Productions International ay naikuwento niya kung ano ang naramdaman niya nu’ng muli niyang makatrabaho ang Kapamilya actors.

 “Actually, hindi naman ako parang pressured talaga na… kasi ilang years na rin naman ako sa industry pero siyempre you have to prove yourself again.

 “Kasi ang tagal mong wala sa kanila tapos bigla kang bibigyan ng lead sa isang episode ng Ipaglaban Mo, tapos kasama ka sa isang show na bagung-bago (The Greatest Love) at kasama ka sa cast,” simula niyang pahayag.

 Muli namang sumabak sa sexy role si Luis sa pelikulang Siphayo pagkatapos ng controversial film niya with LJ Reyes na Anino sa Likod ng Buwan na idinirek ni Jun Lana. Paano ba niya ikukumpara ang ginawa niya sa Anino at sa Siphayo?

 “Actually, mas mahirap pa rin yung Anino, kasi yon 10 minutes na dire-diretso siyang ginawa, no point of cutting it, ang magdedepende lang do’n ay yung camera angles, yung DOP namin.

 “Dito kasi, kina-cut ni Direk Joel (Lamangan), so naka-adjust kami ng anggulo, medyo daring din siya kasi dito full nudity din kami ni Nathalie (Hart).”

 Itinanggi naman ni Luis ang ipinahayag ni Nathalie siya ang dahilan ng pag-iyak nito sa eksena pagkatapos kunan ang isang maselang eksena.

 “Si Direk ang nagpaiyak sa kanya, hindi ako,” paglilinaw agad ng actor.

 “First time niya kasi to do a movie like this and sinabi ko sa kanya na if ever naman na… ginawa ko siyang kumportable sa eksena kasi nararamdaman ko na tensyonado siya sa scene. Sabi ko, ‘pag nagkamali tayo uulit tayo nang uulit, ikaw din ang mahihirapan.’”

 Kinumusta na rin namin si Luis kung okay na ba sila ni LJ after sa naging isyu sa kanila pagkatapos ng Anino.

 Sey ng actor, “I’m not sure, hindi ako sure kung ano. Ako, okey naman ako sa kanya. Whatever happened naman kasi sa movie, we were friends before, siguro meron lang hindi pagkakaunawaan, hindi nagkaintindihan within the production, the actors, hayaan na lang natin.

 “Ang sa akin naman, ginawa ko lang kung ano yung trabaho na pinagwa sa akin. I don’t think I went overboard, hindi naman ako ganu’ng klaseng artista,” pagtatapos  ni Luis sa Push.com.ph.