• Home
  • Fresh Scoops
  • Director FM Reyes feels pressured working with wife Rita Avila in ‘Magpahanggang Wakas’

Director FM Reyes feels pressured working with wife Rita Avila in ‘Magpahanggang Wakas’

Director FM Reyes says the last time he worked with wife Rita Avila was 15 years ago.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/20/2016 9:15 AM
Director FM Reyes feels pressured working with wife Rita Avila in ‘Magpahanggang Wakas’


092016-FMReyes_PUSH.jpgSa pag-uumpisa ng bagong primetime teleserye na Magpahanggang Wakas, aminado ang direktor nito na si FM Reyes na pressured siya na after 15 years ay muli niya niyang makakatrabaho ang kanyang real life partner na si Rita Avila.

Kamakailan sa press conference ng bagong proyektong ito, naibahagi ng direktor ang kanyang nararamdaman sa pagdirek sa kanyang maybahay.

"Mahirap po sa’min kasi I know her very well , and on the personal side the one reason I fell in love with her is [because] she is very, very intelligent as an actress."

Dagdag pa ng director, labis-labis ang kanyang paghanga kay Rita hindi lang bilang asawa kundi bilang isang aktres.

“I worked with her a long time ago, 15 years ago, and that impressed me but she's just a quiet lady, so I find it always challenging na pag dumarating sa set at may ipapagawa ako she's really, really quiet and thinking about it but when she performs medyo na-tatameme na ako."

“Challenging” naman din ang pakiramdam ni Rita sa muli nilang pagsasama sa trabaho. Ayon kay Rita, extra challenge naman na abutin ang standards ng kanyang asawang direktor,

"I missed him directing me kasi pag nakikita ko yung mga ginawa niyang shows kahit pinakamaliit na actors nagsa-shine, so after 15 years magka trabaho ulit kami on the first day pareho kaming naiilang but it's a pleasure at the same time kung na challenged siya, mas lalo naman ako kasi I have to keep up to his standards."