Angelina Jolie files for divorce from Brad Pitt

The actress reportedly ended the 12-year relationship because of parenting issues.

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

9/20/2016 11:27 PM
Angelina Jolie files for divorce from Brad Pitt


092016-BradAngelina_PUSH.jpgIbinalita ng entertainment news source na TMZ sa kanilang Twitter account na nagfile ng divorce si Angelina Jolie sa asawa niyang si Brad Pitt, nitong Lunes, September 19 (US Time).

092016-angelina1.jpg
 

Sinasabi sa report ng TMZ, nakipaghiwalay si Angelina dahil sa "irreconcilable differences" nila diumano, kabilang na ang paraan ng pagpapalaki ng kanilang mga anak. May 6 na anak sina Brad at Angelina – Maddox, 15, Pax, 12, Zahara, 11, Shiloh, 10, at twins Knox and Vivienne, 8.

Wala raw third party involved sa desisyon na ito ni Angelina ayon pa sa report. 

Nagsimulang nagdate si Angelina at Brad noong 2004 pagkatapos nilang maging magkatrabaho sa pelikulang Mr. and Mrs. Smith.

Naging maugong din ang kasal ng dalawa noong 2014 sa Chateau Miraval sa France. Bago ang pormal na ceremony, ikinasal na ang dalawa sa California.