• Home
  • Fresh Scoops
  • Yen Santos admits her breakup with Jason Abalos was the most heartbreaking so far

Yen Santos admits her breakup with Jason Abalos was the most heartbreaking so far

Yen Santos wants her next relationship to be ‘the one.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/2/2016 10:28 AM
Yen Santos admits her breakup with Jason Abalos was the most heartbreaking so far


090216-yen_main.jpgPumirma na ng non-exclusive contract si Yen Santos sa Regal Entertainment nina Roselle at Mother Lily Monteverde. Isa na siyang certified Regal baby. First project ni Yen sa Regal at first ever movie rin niya ang Once In A Lifetime kasama ang ultimate leading man na si Piolo Pascual.

Ayon sa kuwento ni Yen, nang kunan ang mga eksena nila ni Piolo Pascual sa New Zealand. Hindi daw niya naiwasang ma-star struck habang kaeksena si Piolo.

“Yung first, second shooting day po namin, medyo nag-adjust ako kasi sobrang na-star struck po ako sa kanya. Sobrang guwapo niya and hindi ko maiwsan na ma-distract talaga.

“Pero siyempre nakatulong din yung every take, yung bonding namin at kuwentuhan kaya bago kami umuwi naging okey na kami. Meron ng bonding kaya naging comfortable na rin po ako,” kuwento ni Yen.

Eh, kumusta naman ang kanyang love life?

“Wala. Single.”

Anong nangyari sa politician na nali-link sa kanya noon?

“Sino? Ang tagal na niyang isyu na yan. Hahaha.”

Di ba naging sila Arron Villafor?

“Hindi po naging kami. Hindi talaga,” pagtanggi niya.

“Nanligaw siya, pero hindi ko naman siya binasted… magkaibigan kasi kami no’n so parang ako, mas okey na lang yung magkaibigan lang kami. Kasi nu’ng nanliligaw siya sa akin parang naiilang pa ako… parang ano ba yan?

“Mas komportable kasi ako na magkaibigan lang kami. Parang ‘wag mo na akong ligawan, magkaibigan na lang tayo.’”

Sabi pa ni Yen, three years na siyang walang boyfriend.

“Meron naman pong nagpaparamdam kaya lang, nag-iingat lang po talaga ako.”

Eh, bakit siya nag-iingat?

“Kasi po 24 na ako. Meron akong goals, parang gusto ko pag nagka-boyfriend ako, yon na po yon. Gusto ko may strong foundation ng relationship.”

Inamin din ng dalaga na pinakamasakit na pinagdaanan niya yung breakup nila ng fellow Kapamilya actor na si Jason Abalos.

“Sobrang na-hurt po kasi ako nu’ng last time. Yon po yung pinaka-heartbreaking, eh. Kaya natuto na ako sa sarili kong experiences,” pag-amin niya.

Eh, ano ba ang hinahanap niya sa isang lalaki?

“Siyempre dapat kung mahal ako, mamahalin din yung pamilya ko. Dapat may respeto rin, mabait at siyempre kaya akong buhayin,” natatawa niyang pagtatapos.