Veteran stage actors reunite for ‘Dirty Old Musical’

‘Dirty Old Musical’ stars Robert Sena, Ricky Davao, John Arcilla, Michael Williams and Nonie Buencamino.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/2/2016 9:56 AM
Veteran stage actors reunite for ‘Dirty Old Musical’


090216-DirtyOldMusical_main.jpgNaganap noong isang gabi ang special media presentation ng Dirty Old Musical na pinagbibidahan ng lima sa magagaling na performers natin ngayon: Robert Sena; Ricky Davao; John Arcilla; Michael Williams at Nonie Buencamino. Ito ang una nilang pagsasama-sama sa lead role ng isang original pinoy musical na tumatalakay sa reunion ng isang one hit wonder na boyband noong dekada otsenta. Pero marami ang di nakaka-alam na nagkasama sama na sila noon sa original production ng Rama at Sita musical.

Kuwento ni Nonie Buencamino, parang catching up na kuwentuhan ang nagaganap sa tuwing rehearsals nila ngayon.

"Ang saya sa pakiramdam na magkaka trabajo kami ulit at milagro na nag tugma ang mga schedule namin dahil iba iba na rin talaga ang napuntahan namin sa trabaho na ito."

Ang mag asawang Isay Alvarez at Robert Sena ang malaking bahagi ng pagbubuo ng stage musical na ito. Para kay Isay, pagpapasigla ito ng local stage production at tulong sa mahuhusay na pinoy artists.

"Mas malapit talaga sa puso at mas masarap maging bahagi kapag original pinoy ang material kaya sana suportahan tayo ng mga kababayan natin sa project na ito"

Mapapanood ang Dirty Old Musical sa Music Museum sa September 1, 2, 3, 8, 9, 10 nang 8 pm at may 3 pm shows kapag Sabado.