• Home
  • Fresh Scoops
  • Devon Seron reunites with James Reid; says she finds Nadine Lustre really beautiful

Devon Seron reunites with James Reid; says she finds Nadine Lustre really beautiful

Devon Seron says she has ‘no boyfriend since birth.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/2/2016 10:18 AM
Devon Seron reunites with James Reid; says she finds Nadine Lustre really beautiful


090216-devon_main.jpgRegal baby na rin si Devon Seron at kamakailan lang ay pumirma siya ng kontrata dito. Six years na sa showbiz si Devon at ayon sa dalaga, malaking opportunity ang binuksan sa kanya ng Regal Films na makagawa ng pelikula.

Eh, ano bang pakiramdam na ngayon lang dumating ang ganitong chance sa kanyang career? Hindi ba siya nainip?

“Ay hindi naman po. Tiis-tiis lang. Thankful pa rin po ako as long as nakakapag-provide ako sa family ko at saka may work pa po akong dumadating, so okey lang. Lahat naman ng sisters ko po may mga trabaho. Ako lang po yung nakakapagbigay ng mas malaki,” simulang pahayag ni Devon sa Push.com.ph.

Si Devon ay ka-batch ni James Reid sa PBB Teen Clash. Naging magkapareha din sila noon at siya ang naging unang ka-love team ni James.

Kumusta naman ang naging pagkikita nila ni James sa It’s Showtime?

“Nagulat po kami pareho kasi ang tagal na naming hindi nagkita, ilang years na ata. So sobrang happy kami pareho. Hi, ganyan, kumustahan lang po. Kasi that time, after po ng prod namin (Girltrends) sila na yung sasalang. Sobrang bilis lang.”

Hindi ba naging sila?

“Hindi naman po.”

Hindi rin daw nanligaw sa kanya si James.

“Friends lang po talaga kami.”

May panghihinayang ba on her part na hindi siya ang naka-love team ni James?

“Wala naman po… wala naman po. Happy naman po ako para sa kanya, kasi yon nga, lahat may dahilan naman. Baka pag ako pa (yung naka-love team), yung mga blessings niya ngayon dahil din sa partner niya yon.”

Ipinakilala ba sa kanya ni James si Nadine Lustre?

“That time po mabilis lang, eh. First time ko rin pong nakita si Nadine that time, in person. Maganda po talaga siya.”

Inamin ni Devon na may mga times na wini-wish din ba niya na makatrabaho ulit si James?

“Opo. May mga times na gusto ko ding makatrabaho yung iba kong ka-batch like sina James, Ate Yen (Santos) sa isang show kasi kami hiwa-hiwalay na kami, eh,” sey pa niya.

Nang tanungin naman namin si Devon kung may boyfriend siya, napailing agad ito.

“Ayan po si mommy,” sabay turo sa nanay na palagi raw niyag kasa-kasama sa tapings.

“Very strict siya,” hirit pa ni Devon.

Devon is 22 years old at aminado rin siyang hindi pa siya nagkaka-boyfriend kahit kailan.

“Opo. No boyfriend since birth (NBSF). Ako kasi po yung bunso. Hindi rin po kasi ako naghahanap. More on focus kasi talaga ako sa work.”

Mama ba niya ang may gusto na huwag muna siyang makipag-boyfriend?

”Hindi naman po. Sabi naman niya kapag may dumating okey lang naman, kilalanin daw muna.”

Eh, sino ba ang ultimate crush niya?

“Si Sam Milby,” sagot agad niya.

Hindi ba siya lapitin ng boys?

“Ewan ko po. Nilalayuan nila ako, eh. Hindi naman o ako masungit. One of the boys lang po ako kaya siguro ganun. Kasi akala nila ata tomboy ako. Pero hindi naman ako tomboy. Ngayon lang ako nagbibihis kapag ganito (contract signing), pero usually po naka-jeans and t-shirt lang talaga ako,” paglilinaw ng bagong Regal baby na napapanood din sa morning series na Be My Lady.