• Home
  • Fresh Scoops
  • Did Daniel Padilla confirm he and Kathryn Bernardo are officially together?

Did Daniel Padilla confirm he and Kathryn Bernardo are officially together?

Daniel Padilla gives a thumbs-up to Vice Ganda when the TV host commented ‘magjowa na sila pero hindi pa nila aaminin.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/19/2016 8:31 AM
Did Daniel Padilla confirm he and Kathryn Bernardo are officially together?


091916-KathNiel_PUSH.jpgSa Gandang Gabi Vice, inamin ng love team na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na hindi na sila ngayon madalas mag-away at hindi na rin sila malala mag-away katulad noon. Nang tanungin sila ng host na si Vice Ganda kung ano ang madalas nila pag-awayan sinabi nila na selos ang malimit na dahilan ng mga away nila. 

Inamin naman ni Kathryn na “mas ako na yung nagseselos.” Dati diumano ay mas seloso si Daniel, pero ngayon ay si Kathryn na ang mas selosa. Pinapayagan lang rin ni Kathryn na magka-crush si Daniel kapag international stars ang crush nito. 

Hindi rin sila papayag na iba ang makapareha nila sa next project nila. Ani Kathryn, “Ah hindi, hindi pwede. Grabe naman sobrang aga naman nun.” Si Daniel naman, “I think hindi pupwede ngayon, hindi lang para sa amin kundi para rin sa mga fans.” 

Nang tanungin sila kung kailan sila aamin na may relasyon na sila, sagot ni Daniel ay, “aabangan niyo yung pag-amin.” 

Nang sabihin ni Vice Ganda na, “magjowa na sila pero hindi pa nila aaminin,” nagbigay naman ng isang thumbs up sign si Daniel.  

Natukso din ni Vice ang dalawa tungkol sa kanilang first on-screen kiss. Sinubukan hulihin ni Vice kung nag-kiss na din sila off cam pero sinabi naman ni Daniel na bawal pa daw ang ganun.