Bea Alonzo is excited to work with Bela Padilla

Bea agrees with comments that she and Bela resemble each other.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

9/19/2016 8:32 AM
Bea Alonzo is excited to work with Bela Padilla


091916-BeaAlonzo_pushmain.jpgHindi kaila kay Bea Alonzo ang kanyang tuwa nang ibalita niya sa ABS-CBN News na excited siyang maka-trabaho ang aktres na si Bela Padilla sa isang pelikula.

“Sana matuloy na, sana early next year. It’s a good film. Actually siya (Bela) yung nagsulat. Excited ako. Nung nabasa ko yung one-liner na binigay niya sa akin, nakakagulat how talented she is. I like supporting talents like that,” kwento ng aktres.

Dahil kapansin-pansin din na sila ay may pagkakahawig, sinabi niya, “Ang ganda nga nun paglaruan sa pelikula. Ang gandang gawing advantage yun sa aming dalawa. So talagang excited ako to work with her. I’ve seen her work and gusto ko makipag-collaborate with her.”

Kasalukuyang abala si Bea sa upcoming teleserye niya kasama sina Ian Veneracion, Iza Calzado, Enchong Dee at Julia Barretto.

Nanalo din ng dalawang acting awards si Bea – una bilang Most Influencial Actress sa 6th EdukCircle Awards at Best Actress mula sa Film Academy of the Philippines’ Luna Awards sa kanyang pagganap sa The Love Affair