• Home
  • Fresh Scoops
  • Rufa Mae Quinto says her pregnancy has made her life complete

Rufa Mae Quinto says her pregnancy has made her life complete

Rufa Mae Quinto talks about her fiancé and her pregnancy

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/19/2016 12:48 AM
Rufa Mae Quinto says her pregnancy has made her life complete


091916-RufaMae-PUSH.jpgSa Rated K, masayang ibinalita ng comedienne Rufa Mae Quinto ang nalalaapit na pagpapakasal niya ngayong December sa kanyang fiancé na si Trevor Magallanes. Nakilala niya ang 29 year-old Fil-Am na  si Trevor noong January 2, 2016 sa America. 

“Tinour niya ako ng tinour, parang tour guide.” 

Dagdag pa ni Rufa tungkol kay Trevor, “Mabait siya pinaninindigan niya ako. Kagaganun niya na-fall na ako sa kanya, siyempre minsan nagda-doubt doubt ka pa pero nagdadasal na lang ako, yang mga fear na yan. Sabi ko, kelan pa ako hindi matatakot e lagi na lang akong takot sa love life. Kaya di ba hindi nagsa-succeed yung iba, kaya this time tinodo ko na din.”  

Kwento rin niya tungkol sa naging proposal sa kanya ni Trevor. 

“He’s mentioning everyday since nung nameet niya ako na you have to get married dahil yung age ko daw 30 something nasa marrying age. Sinasabi niya lang yun in general, so ako naman namali ako ng intindi. So sabi ko, ‘good morning. I just woke up. I think I want to get married.’ Okay, sabi naman niya. Ganun lang ka-casual.” 

Kasabay rin nito ang rebelasyon na 17 weeks pregnant na si Rufa Mae sa tsikiting nila ni Trevor. 

“Kasi ninerbyos din ako kung mabibigyan ko talaga siya ng family kasi yung age ko din di ba 38, so sabi ko mabibigyan ko pa kaya to ng anak?” 

Sensitibo diumano ang pagbubuntis ni Rufa Mae. 

“Nag-spotting ako nung 2nd month ko, kasi nga tumakbo ako.” 

Ganunpaman, walang mapagsidman ang kaligayan niya. 

“Ito yung moment na araw-araw wala kang emptiness ever. Parang alam mong may kasama ka e.” 

Sa pagtatapos ng interview ni Rufa Mae, ginamit niya ang phrase na ‘todo na ‘to,’ na naging trademark na niya bilang komedyana. 

“Siguro ito na yung umpisa ng todo,” natatawa niyang sabi.