• Home
  • Fresh Scoops
  • Kaye Abad and Paul Jake Castillo will have a private wedding in December

Kaye Abad and Paul Jake Castillo will have a private wedding in December

Kaye Abad reveals a few details about her upcoming wedding.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/18/2016 8:33 AM
Kaye Abad and Paul Jake Castillo will have a private wedding in December


091816-KayeAbad_MAIN.jpgPinag-usapan ang engagement ng celebrity couple na sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo nitong nakaraang Mayo. Sa opening ng Francis Libiran Bridal sa Greenbelt 5, si Kaye ang nag-cut ng ribbon dahil siya ang susunod na celebrity bride ng kilalang fashion designer. Excited na nag-kuwento si Kaye ng detalye ng magaganap na kasalan.

"Malapit na! Noong nag first fitting kami di ako makapaniwala for how many years kapag nag fitting kami para sa Star Magic ball pero ngayon para na sa wedding ko, ayan kinikilabutan ako! I’m very excited. ‘Di pa tapos ang details pero nai-imagine ko na."

Madalas na magkaiba ang ideas ni Kaye at ni Francis pero nagkakasundo naman daw sila sa bawat detalye ng kanyang wedding gown.

"Simple lang kasi lagi ang gusto ko pero lagi kami nagmi-meet halfway na simple pero elegant. I think that’s why perfect si Francis for my wedding at character ko yung mga design niya."

Kahit na parehong celebrity sina Kaye at Paul Jake, nag-request ang kanilang pamilya na maging pribado at solemn ang seremonyas ng kasalan.

"Church wedding tapos ang reception sa Radisson Blue and sa December ang wedding. Request ng family na private ang wedding pero magpo provide naman ng videos ng wedding para mas solemn at intimate sana."

Ilan sa mga sponsors sa wedding ni Kaye at Paul Jake ay ang ABS-CBN executives na sina Charo Santos-Concio, Cory Vidanes at Lauren Dyogi.