• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Rosales clarifies that there is no bad blood between John Estrada and himself

Jericho Rosales clarifies that there is no bad blood between John Estrada and himself

Jericho Rosales says he and John Estrada have already apologized to each other for their past conflict.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/18/2016 8:36 AM
Jericho Rosales clarifies that there is no bad blood between John Estrada and himself


091816-JerichoRosales_MAIN.jpgKinalimutan na ni Jericho Rosales kung anuman ang naging isyu sa kanila noon ni John Estrada nung panahong kasintahan pa niya si Heart Evangelista na asawa na ngayon ni Sen. Chiz Escudero.

Ayon kay Jericho matagal na siyang naka-move-on sa isyu kaya medyo nagulat siya nang tanungin siya ng press tungkol dito.

“Sabi ko na, itatanong niyo sa akin iyan, e. Matagal na naming naayos iyon. Ako, humingi ako personally ng tawad sa kanya sa mga nagawa ko dati. Siya rin ganun, dalawa kami,” reaksyon ni Echo.

May maganda rin daw naidulot ang naturang pangyayari ayon pa kay Echo.

“And because of that event, parang nagkaroon pa kami ng mas magandang pagkakaibigan. Hindi kami masyadong nagkikita… hindi naman kami magka-close katulad nila ni Goma (Richard Gomez), but you know, nagkaroon kami ng bond,” dagdag pa niya.

Naniniwala si Jericho sa kahalagahan ng pagpapatawad para makapag-move-on sa hindi inaasahang pangyayari.

“I truly believe in forgiveness and moving on. And you know, may mga phase sa buhay mo na darating and that doesn’t end there. Good things happen after the storm,” sey pa ni Echo.

Magkasama ngayon sina Jericho at John sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Magpahanggang Wakas.

“Misunderstanding lang naman yung nangyari noon. Nakalimutan ko na nga, e. Wala, walang problema,” komento naman ni John.

Ayon pa sa actor, sobrang okey na sila ngayon ni Jericho.

“Ako nga hindi ko na maalala, e! Nagulat nga ako, sabi ko, ‘Oo nga pala, 'no,” natatawa pa niyang pahayag.

Si Jericho at John ang magiging magkaribal sa puso ni Arci Munoz sa Magpahanggang Wakas na si FM Reyes ang director mula sa unit ni Direk Ruel Bayani.