• Home
  • Fresh Scoops
  • 2016 Eduk Circle awards honor Kathryn Bernardo, KimXi, Bela Padilla, Bea Alonzo

2016 Eduk Circle awards honor Kathryn Bernardo, KimXi, Bela Padilla, Bea Alonzo

Kapamilya stars bag major awards at 2016 Eduk Circle.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/18/2016 8:28 AM
2016 Eduk Circle awards honor Kathryn Bernardo, KimXi, Bela Padilla, Bea Alonzo


091816-EdukCircle_MAIN.jpgSa 2016 batch na binigyang parangal ng Eduk Circle Awards na naganap noong September 17 sa AFP Theater, ang mga ABS-CBN stars ang nakasungkit ng mga major na kategorya sa mga parangal na ipinamigay.

Drama Actor of the Year si Xian Lim para sa kanyang naging performance sa teleseryeng The Story of Us. "Nakakatuwa po na napansin nila ako doon na talaga naman pinagbuti namin ang lahat ng scenes. Hindi ko makakalimutan yung mga underwater scenes namin na ang ganda lumabas sa TV."

091816-EDUK1.jpg

Si Kim Chiu naman ang Drama Actress of the Year para pa rin sa The Story of Us. Para kay Kim, acting ang priority niya kahit na at home na siya sa hosting at pagpe-perform. "Marami po talaga natututunan kapag umaarte at ito talaga iyung gusto ko gawin kaya salamat kapag napapansin nila ang acting ko."

Dalawang award naman ang nakuha ni Kathryn Bernardo bilang Most Outstanding Young Actress for TV at Most Influential Celebrity of the Year. "Lahat ng mga parangal nagiging bagong inspirasyon lalo na kapag students at educators ang nagbigay. Nakakatuwa po."

091816-EDUK2.jpg

Ibinigay naman kay Bea Alonzo ang Most Influential Film Actress of the Year; si Bela Padilla naman ang nakakuha ng Drama Actress of the Year; at ang king of talk na si Boy Abunda ang Talk Show Host of the Year.

091816-EDUK4.jpg

091816-EDUK3.jpg