The 5 Most Rocking Moments in The Dawn’s Digital Concert

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

9/17/2016 1:31 PM
The 5 Most Rocking Moments in The Dawn’s Digital Concert


091816-TheDawn_PIN.jpg

Nakipag-jamming ang iconic rock band na The Dawn with their fans from all over the world last September 11, 2016. Nag-level up na talaga ang tugtugan nila dahil sa unang pagkakataon, ginamit ng fans ang laptops at cellphones nila para mapanood sila nang live sa digital concert ng One Music PH. Swak na swak ang title nitong “Simulan Na Natin,” dahil ito ang nagsilbing kickoff celebration para sa 30th anniversary ng banda.

Sa mga hindi nakapanood ng groundbreaking digital concert na ito, narito na ang highlights:

1.Nung sinimulan ng Kontra ang rakrakan sa stage

Walang dudang napahanga ng bandang nanalo sa Salamat Front Act contest ang buong studio. 



2. Nung narinig silang tumugtog ulit nang magkakasama


 Marami nang nangyari sa loob ng tatlong dekada, kaya nang makita ng fans na magkakasama ulit ang banda sa isang stage, buong buo na ang gabi nila! Sarap talaga ng orig!


3.Nung pinatugtog nila ang apat sa pinakamahuhusay na gitarista sa Pilipinas

THE legendary Francis Reyes, Sancho Sanchez, Carlos Balcells, and Mon Legaspi on guitars-- kasama pa ang mga intense na palo sa drums ni JB Leonor! Kailangan pa bang i-explain?

4.Nung pinarinig ni Jett Pangan sa buong mundo ang mga baon niyang kwento

Iba talaga ang dating ni Jett, hindi lamang sa tugtugan, pero pati na rin sa kwentuhan. Nang binalikan niya ang mga nangyari sa The Dawn, hindi napigilang maging emosyonal ng buong studio.


5. Nung nagsama-sama ang original fans ng The Dawn

Even after thirty years, masarap lang isiping nariyan pa rin ang fans na patuloy sumusuporta at nakikipagrakrakan with The Dawn, nasaan mang panig sila mundo. Salamat, mga kaibigan! Salamat din sa San Miguel Pale Pilsen, isa kayo sa mga lalong nagpasarap sa tugtugan. Kampay!

091716-ADVERT.jpg

091716-SANMIGUEL.jpg