Francis Libiran talks about his wedding

Francis Libiran admits it’s hard to think up ideas for his own wedding.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/17/2016 9:01 AM
Francis Libiran talks about his wedding


091716-FrancisLibiran_main.jpgSa unang pagkakataon nagbukas ng kanyang bridal store sa Greenbelt 5 Makati si Francis Libiran na kilala at paboritong fashion designer ng local and international celebrities.

Si Francis din ang gumawa at lumikha ng bridal gowns nila Maricar Reyes-Poon at Pauleen Luna-Sotto. Aminado din si Francis na mas mahirap ang paglikha ng mga wedding gowns kumpara sa mga ordinaryong gowns.

"Yes mahirap because this is a special day ng para sa kahit sinong babae para bang very sacred and very meaningful for them, so yung experience dapat pag binigay yun sa bride dapat kumpleto."

Naitanong kay Francis kung sino naman sa mga ito ang kanyang favorite na damitan.

"Wala namang paborito pero para sa akin kasi if it's someone na challenging mas na-challenge ako as a designer para mailabas ko ang creativity ko."

Dahil masaya at makulay din naman ang love life ni Francis sa kanyang American boyfriend na si Christian Marc Jacobs napabalita din ang kanilang planong pag papakasal anytime next year 2017.

"Next year, maybe Boracay wedding. Ang nakakatawa dito, pag pala sarili mo na ang wedding wala ka na maisip e so andun ako sa stage na blanko lang but we're in a planning stage now," sabi pa ni Francis.