• Home
  • Fresh Scoops
  • Bela Padilla reveals that Judy Ann Santos was her ‘gateway’ to showbiz

Bela Padilla reveals that Judy Ann Santos was her ‘gateway’ to showbiz

Bela Padilla details the moment when she realized she wanted to become an actress.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/18/2016 12:30 AM
Bela Padilla reveals that Judy Ann Santos was her ‘gateway’ to showbiz


091716-BelaPadillaj_main.jpgIni-reveal ni Bela Padilla sa pocket presscon ng kanyang pelikulang I America sa opisina ng Viva Films kung paano siya nagkaroon ng interes na pasukin ang showbiz. Wala daw siyang interes na mag-artista noon, pero nu’ng makita niyang umarte ang isang aktres, nagbago ang pananaw niya.

“Si Judy Ann (Santos) po talaga ang reason kung bakit ako nag-artista, para makaeksena ko siya,” pagtatapat ni Bela na bahagyang ikinagulat ng press.

“Nu’ng bata po ako, 13 years old ata ako no’n, last day ng Basta’t Kasama Kita nina Tito Robin (Padilla), nando’n po kami. Tapos merong eksena si Miss Judy Ann na... tumatawa siya nu’ng nasa likod nu’ng hindi pa nagte-take. Kitang-kita ko siya, nakikipagkuwentuhan siya noon, tumatawa siya, parang hindi pa siya ready.

“Tapos nung , ‘okay game, 5, 4, 3, 2’ pagharap umiyak siya. Sabi ko, ‘paano yon?’ Grabe, ang bilis (umiyak). Di ba ngayon , merong actors cue o sasabihin ng artista kung ready na siya, siya walang actors cue, she cued herself.

“Medyo nabaliw ako ng very light sa nakita ko sa kanya. Ang galing, grabe ang bilis umiyak. Ano’ng naisip niya nung moment na yon?” pahayag ni Bela na halatang manghang-mangha pa rin sa ginawa ni Juday.

Kasali ang I America ni Bela sa 12th Cinemalaya Independent Film Festival at nakalaban pa ng pelikula niya ang Kusina ni Judy Ann Santos.

“Lahat naman po siyempre ng filmmakers na sumasali sa Cinemalaya, siyempre ang pangarap ay manalo yung movie niyo o manalo ka, di ba may ganu’n ka, eh, ‘sana, manalo tayo.’ Tapos nung makita ko yung listahan (ng nominees), Nora Aunor, Judy Ann Santos, may chance pa ba? Yung totoo?” natatawa niyang kuwento.

Pero hindi naman nanalo sina Nora at Judy Ann kundi ang baguhang si Hasmine Killip ng Pamilya Ordinardyo.

“Ang gandang wake up call sa akin non na yung ini-expect mo, hindi naman yon din yung mangyayari. Imagine, ako sa utak ko parang sure na either Miss Nora Aunor or Miss Judy Ann Santos, tapos nanalo si Hasmine. Ang ganda kasi parang lahat tayo ngayon may chance.”

Pabirong nakiusap si Bela na kung puwede ay huwag na lang daw isulat ang pagiging avid fan niya ni Judy Ann dahil nahihiya siya.

“Baka kasi sabihin niya, ‘grabe siya.’ Nakakahiya po, huwag n’yo na lang isulat, baka mabasa niya. Ikuwento nyo na lang po na napanood ko siya, hanggang do’n na lang po,” hiyang-hiya niyang pahayag.

Sa September 21 ang theatrical showing ng I America at wish ni Bela na katulad ng last film niyang Camp Sawi ay tangkilikin din ito ng mga manonood.