• Home
  • Fresh Scoops
  • Sophie Albert doesn’t want to ask aunt Kris Aquino for help in her career

Sophie Albert doesn’t want to ask aunt Kris Aquino for help in her career

Sophie Albert says she and Vin Abrenica remain friends after their breakup.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/16/2016 9:54 AM
Sophie Albert doesn’t want to ask aunt Kris Aquino for help in her career


091616-SophieAlbert_main.jpgTatlong taon din palang tumagal ang relasyon nina Sophie Albert at Vin Abrenica na nagsimulang mabuo nung magkasama pa sila sa reality show ng TV5 na Artista Academy. Pero ngayon ay hiwalay na ang dalawa.

 Ayon kay Sophie, mutual ang naging desisyon nila ng ex-boyfriend na maghiwalay na.

“We’re starting to get older na rin kasi pero parang walang masyadong nangyayari sa career namin, so parang we need to establish ourselves or prove ourselves before mag-love life,” rason ni Sophie sa Push.com.ph nang makausap namin siya sa contract signing niya sa Regal Films.

Eh, kumusta naman sila ni Vin ngayon? Friends ba sila?

Nag-uusap pa naman kami ni Vins ngayon, so parang hindi naman siya nawala,” sagot ni Sophie.

Handa rin daw siyang makatrabaho ang actor sa bakuran ng ABS-CBN.

“We’re very okay, Vin and I, so walang isyu. Kasi with Vin, he treated me very well. Parang maganda yung naging samahan namin kasi we started as friends, super friend kami, so ngayon naiintindihan ko siya nung kailangan na to focus on our career and he also understood my side,” katwiran pa ng dalaga.

As much as possible, ayaw munang magkaroon ng bagong boyfriend ni Sophie.

Naghiwalay nga kami ni Vin para mag-focus sa career. Kasi ang hirap, ako kasi nadi-distract talaga ako. Parang pag may love life minsan nakakalimutan ko yung lahat, so wala muna,” rason niya.

Galing si Sophie sa pamilya na  very influential, ang mga Cojuangco. Tita niya si Kris Aquino, pero hindi raw niya hiningi ang tulong nito para makapasok sa showbiz.

“Actually, never siyang nag-cross sa mind ko kasi I really want to be able to make it on my own and to be able to know for myself na ako yung gumawa ng way ko dito.

Kasi kung ibang tao ang magbibigay sa akin o mag-i-spoonfeed sa akin ng daan, parang kung ano man yung magagawa ko parang hindi siya magiging achievement for me. Mas gusto ko na sariling sikap,” pagtatapos ng bagong Regal baby.