• Home
  • Fresh Scoops
  • Joseph Marco admits he still likes Alex Gonzaga ‘very much’

Joseph Marco admits he still likes Alex Gonzaga ‘very much’

Joseph Marco says he missed working with Alex Gonzaga.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/16/2016 9:55 AM
Joseph Marco admits he still likes Alex Gonzaga ‘very much’


091616-JosephMarco_main.jpgPagkatapos makasama ni Joseph Marco si Alex Gonzaga sa teleseryeng Pure Love ng ABS-CBN, aminado ang actor na na-miss niya ang ka-love team. Sa Pure Love nabuo ang SefLex tandem na nagkaroon na rin ng maraming supporters.

Sa pelikulang My Rebound Girl ng Regal Films na showing on September 28 ay sabay na ilu-launch ang movie career nina Alex at Joseph.

“Buti na nga lang po may movie na ang SefLex, masaya na ulit yung mga supporters namin,” masayang pahayag ng binata.

Ano nga ba ang na-miss niya kay Alex nu’ng wala pa silang movie project?

“Nakakatuwa siya, passionate siya sa work kahit may problema siya. Magaan siyang kasama, eh, ako pa naman ang gusto ko sa tao yung mature, yung kayang dalhin ang sarili pag may problema,” pagtatapat ng binata.

Ayon pa kay Joseph, nagparamdam daw siya noon kay Alex habang magkasama sila sa Pure Love pero hindi na raw niya ito tinuloy.

“Nagparamdam ako sa kanya noon pero nakita kong hindi pa siya ready, so nirespeto ko yon. Sabi ko, maybe in time. And right now, okey naman kami.”

Ipu-pursue na ba niya ang panliligaw kay Alex?

“I’m not closing my doors. I like Alex, I like Alex very much,” matipid niyang reaksyon.

“Nung ginagawa namin yung film, excited akong magsyuting, excited akong makita siya. Right now, hindi natin masabi, eh. Whatever it is na ibibigay niya sa akin, I’ll respect it.

“Pero ako, sabi ko nga sa kanya, andito lang ako, while I’m single so you’ll never know what’s going to happen.”

Four years na palang walang girlfriend ngayon si Joseph.

“Oo, matagal na rin. Dating-dating, pero alam mo yon, walang ano… Pag may dumadating, sige let’s hang-out with my friends, ganu’n, pero minsan hanggang do’n lang, eh. Never akong nakipag-date na kaming dalawa lang. Do’n pa lang sa friends ko na kasama niya, nakikita ko na hindi ito magtatagal, na hindi ito yung babaeng gusto ko,” kuwento pa ni Joseph.

Handa ba siyang dumaan sa butas ng karayom sa panliligaw kay Alex if ever?

“Yon nga, eh, sabi ko, ready ba ako dito? Hindi ko alam, hindi ko alam. Pero ako naman kasi, once nanligaw ako, kahit gaano pa kahirap I wouldn’t mind. Kasi if I like the girl, magtitiyaga talaga ako. Pero ayoko ring ipilit yung sarili ko to the point na na ipagsisiksikan ko ang sarili ko para magustuhan niya ako. Ayoko naman ng ganu’n.

“Kasi in evey relationship it should be mutual para both parties masaya,” katwiran ng actor.

Hindi kaya pang-promo or publicity lang ng My Rebound Girl ang ipinapakita nilang closeness ngayon ni Alex?

“Well, I don’t really mind kung sabihin man nila yon. I mean, I don’t care about it. Me, I’m just being me. We’re here to do whatever is to be done. We’re both genuinely being ourselves. Walang gamitin or whatever,” paniniguro ni Joseph.